Batas na naglalayon na makapagbigay ng P45,000 na starting salary para sa mga guro sinusulong ngayon sa Kongreso!



Ang pagiging isang guro ay isa sa pinakadakilang propesyon sa buong mundo. Dahil sa sila ang naghuhulma at tumutulong sa maraming mga kabataan na mag-aral ng mabuti at kalaunan ay magiging mga lider ng ating bayan, mga propesyonal na doktor na nagliligtas ng buhay, mga nars, mga inhinyero, arkitekto, negosyante, at marami pang iba. Sila nga ang tunay na mga pag-asa ng bayan na magiging mga susi upang mas maging maayos at matagumpay ang ating bansa.


Ngunit lingid sa kaalaman ng marami na ang pagiging guro ay hindi kasing dali ng kanilang inaakala. Talaga namang nagsasakripisyo, nagtitiyaga at nagtitiis ang mga guro sa ating bansa sa maraming mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan araw-araw sa kanilang napiling propesyon. Kung kaya naman isang napakagandang balita ang pagsusulong sa ating Kongreso ng batas na naglalayon na ang magiging starting salary ng mga guro ay magkakahalaga na ng P45,000! Sa 18th Congress na bubuksan ngayon Hulyo 2019, isa sa pinakaimportanteng mga batas na isinusulong ngayon ay ang batas na naglalayong mabigyan ang mga guro ng sweldo na nagsisimula sa P45,000 o ang Salary Grade 19. Ito ay napakagandang simula para sa maraming mga guro na naunan nang magkaroon ng mababang mga sweldo na hindi nagiging sapat upang pangsuporta at pangtustos sa kanilang mga pamilya.




Ang Congressman na si Alfred Vargas ang nagsulong sa nasabing batas kung saan ang mga guro ay magkakaroon ng entry-level salary na nagkakahalaga nf P45,259. Ito rin ay naglalayon upang ang mga pinakamahuhusay na guro ay hindi ba magdalawang isip pa na mag-apply sa mga pangpublikong paaralan. Batid ni Vargas na magiging mahirap ito lalo na sa laki ng halaga na ito ngunit maisasakatuparan pa rin ito sa rekomendasyon ng CHED at DepEd. Samantala, ang kinatawana naman ng Binan na si Len Alonte ay nagnanais magsulong ng “teacher protection policy”. Dahil sa lumalaganap ngayong pangbu-bully ng mga estudyante at mga magulang nito sa maraming mga guro sa ating bansa. Ang mga senador naman na sina Angara, Villanueva, at Cayetano ay nagsusulong din ng batas sa senado na magtataas pa ng sweldo ng mga guro sa Salary Grade 19 kabilang na ang mga “Master Teachers”.


Dagdag pa nila nararapat lamang ito sa mga guro upang mapabilang at maihelera na rin sila sa mga sundalo, bumbero, at mga pulisya tungkol sa usapin ng sweldo. Sinasabing ang karagdagan ba sweldo ay idaragdag sa mga ito sa loob ng limang taon upang mas mabigyan pa ng sapat na panahon ang Department of Budget and Management sa mga budgetary requirements nito.





error: Content is protected !!