Isang manager ang nakuhanan ng CCTV video habang ginagawa ang isang bagay na talaga namang ikinagulat ng marami!



Madalas na tayong nakakakita o nakakasalamuha ng mga manager ng iba’t-ibang establisyemento o negosyo. Ang mga manager na ito ang namamahala sa pagpapatakbo at pagsasaayos ng araw-araw na pagpapalakad ng isang negosyo kasama na rito ang pamamahala sa iba pang mga tauhan dito. Talaga namang aakalain mong simple ang kanilang trabaho ngunit marami din silang paghihirap at mga pagsubok na pinagdaraanan na lingid sa ating mga kaalaman.

Ngunit kamakailan lamang ay labis na ikinagulat ng marami ang lumabas na video na ito ng isang manager habang mayroong ginagawa sa kaniyang mga tauhan. Sila ay nasa loob ng opisina habang ang nasabing manager ay tila mayroong kausap sa telepono, kasama niya sa loob ng kanilang opisina ang dalawa niyang mga empleyado na kapwa abala sa kanilang ginagawa. Habang abala ang mga ito ay isa isa niya silang kinakalabit at nagpapanggap na tila walang nangyari.



Marami ngang mga netizen na natuwa sa viral video na ito dahil ramdam nila ang pagiging magaan ng trabaho ng mga ito kung lalagyan ng kaunting biruan ang kanilang pagtatrabaho ngunit nasa tamang limistasyon lamang. Marami din ang nagkomento na buti na lamang at mayroong ganitong mga uri ng manager na kahit papaano ay napapagaan ang trabaho ng kanilang mga empleyado.

Hindi rin naman natin maiaalis ang paghihigpit ng ilan nating mga manager ngunit ang pagkakaroon ng kahit kaunting kaluwagan sa ganitong uri ng trabaho ay talaga namang nakakatulong rin ng malaki kahit papaano. Ang nasabing viral video ay talaga namang umani ng iba’t-ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. Mayroong ilan na labis na natuwa dahil sa pagiging kalog at makulit ng manager sa video na talaga namang nakakatanggal ng tensyon at pagod sa trabaho. Ngunit paalaala nga ng marami na mas mainam pa rin na alam natin ang mga limitasyon ng bawat isa lalo na sa mga ganitong uri ng bagay o mga usapin.





error: Content is protected !!