Categories: NewsViral

Maternity benefits ng Social Security System aabot na ng P70,000 sa taong 2020!

Ang pagiging isang ina ay biyaya mula sa Panginoong Diyos. Hindi lahat ng mga kababaihan ay nagkakaroon ng pagkakataon na makapagdalang-tao at magdala ng isang natatanging buhay sa kanilang sinapupunan. Bagamat may mga panganib, pagsubok, at paghihirap din na pinagdaraanan ang maraming mga ina at magiging ina ng tahanan ay hindi pa rin nababawasan ang kanilang natatanging pagmamahal para sa kanilang mga anak at sa kanilang pamilya.


Buti na lamang at mayroong mga tao, ahensya ng pamahalaan at maging ang ating gobyerno na nagbibigay ng mga benepisyo at prayoridad sa mga ina at sa mga nagdadalang tao. Kamakailan nga lamang ay marami ang natuwa sa balita na ang maternity benefits ng mga kababaihan ay itataas na sa P70,000 sa taong 2020. Bukod sa 105 days na maternity leave para sa mga ina, mayroon din silang pagkakataon na magkaroon ng P70,000 na maternity benefit sa taong 2020. Ito ay ayon na rin sa President at CEO ng Social Security System na si Aurora Ignacio.\


Dagdag pa niya, binigyan din ng mas mahabang panahon ang mga magulang na makasama at mas mabigyan pa ng panahon ang kanilang mga bagong silang na sanggol at mas mabibigyan sila ng panahon na i-breastfeed ang kanilang mga anak, na talaga namang napakahalaga para nutrisyon at paglaki ng maraming mga sanggol. Sinasabing sa first quarter ng 2019, nasa 122,751 na nagtatrabahong mga ina ang magbebenipisyo sa “Expanded Maternity Leave Law”. Nailathala din ang batas na ito upang mabawasan at bumaba pa ang mortality rate ng mga sanggol dahil ang kanilang unang buwan sa mundo ay talaga namang napakaselan at napakadelikado. Mababawasan din nito ang “postpartum depre$$i0n” para sa mga ina na kakapanganak pa lamang dahil mas magkakaroon sila ng sapat na oras at panahon para sa kanilang mga sanggol.


Samantala, ang mga ama naman kasal man o hindi sa ina ay maaari ring mabigyan at makinabang ng pitong araw sa 105 na araw na maternity leave ng ina. Bago pa man maipatupad ang Expanded Maternity Leave Law, ang mga ina na nagtatrabaho ay mayroong 78 araw na paid leaves para sa mga sumailalim sa cesarean delivery habang 60 araw naman ng paid leaves para sa mga normal delivery. Sa unang apat na mga buwan ng 2019, nakapagbigay na ang SSS ng Php2.67B maternity benefits; 15.09% na mas mataas kumpara sa Php2.32B noong nakaraamg taon sa parehong panahon. Tiyak na napakalaking tulong at napakalaking bagay nito para sa maraming mga ina at ama ng tahanan at sa kanilang magiging mga supling.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago