Vicky Rushton nagnanais din gampanan ang role bilang isang Darna!



Marami na sa atin ang nakalakihan na ang mga palabas noon sa mga pelikula at telebisyon. Mula bata pa lamang tayo ay napapanuod na natin ang mga kilalang personalidad na gumaganap sa mga paborito nating karakter. Isa na nga marahil dito ang palabas na Darna na talaga namang kinabiliban at hinangaan ng maraming mga Pilipino at naging parte na rin ng buhay ng maraming mga kabataan.



Kamakailan nga lamang ay maraming nalungkot sa balita na hindi na gagampanan pa ni Liza Soberano ang proyekto ng Darna dahil sa natamo niyang fracture sa kaniyang kanang hintuturo noong sila ay nagtataping ng programa na “Bagani” sa ABS-CBN. Hanggang sa ngayon ay sumasailalim pa rin ang Kapamilya actress sa mga operasyon at therapy upang maisaayos ang kaniyang daliri.


Kasabay nito ay ang pagsasapubliko ng paghahanap nila ng papalit sa role ng aktres. Naghahanap sila ngayon ng susunod na Darna at marami nga ang mga artista at mga nagnanais mag-artista na masungkit ang nasabing proyekto. Ang ilan nga sa kanila ay mayroon nang sarili nilang mga audition video tulad na lamang nina Nadine Lustre, Janella Salvador, Jessy Mendiola, Sanya Lopez, Alex Gonzaga, at marami pang iba.


Hindi rin naman papahuli ang Darling’s crowd nitong nakaraang Binibining Pilipinas 2019 pageant na si Vicky Rushton. Bagamat hindi niya naiuwi ang korona ay marami naman siyang napahanga at naging mga tagasuporta. Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng marami ang panayam nito sa “Tonight With Boy Abunda”. Dito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na magaya ang popular na linya ni Darna habang iniaabot ni “Ding” ang makapangyarihang bato at agad itong sumigaw ng “Darna!”. Umani ito ng samu’t-saring komento sa mga netizens. Ang ilan ay nagsasabing hindi nababagay sa kaniya ang role ngunit marami din naman ang nagsasabi na napakalambing at napakaganda ng kaniyang boses lalo na sa pagsigaw niya ng “Darna!”. Siya ay dating “Pinoy Big Brother” housemate at nobya ng aktor na si Jason Abalos. Siya ay kinoronahan din bilang Mutya ng Pilipinas 2011 at Binibining Pilipinas 2018 First Runner Up.



Marami din siyang naiuwi na mga special awards sa Binibining Pilipinas 2019 katulad ng Miss Ever Bilena, Jag Denim Queen, Manila Bulletin Award, Miss Creamsilk, Miss World Balance, at Bb. Poten Cee Gandang Palaban. Ilan sa mga kilalang personalidad na gumanap na bilang Darna ay sina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin, at Marian Rivera.




error: Content is protected !!