Isang guro ang naglagay ng malaking kulambo upang maprotektahan niya ang mga estudyante sa Dengue



Dahil nakakaranas na tayo ngayon ng tag-ulan, marami sa atin ngayon ay dinadapuan ng sakit. Ang pabago-bago ng panahon din ay nakaka-apekto sa ibang tao. Karaniwan sa mga sakit na nakukuha ay lagnat, sipon, at ubo. Bukod pa dito, nakakaranas din tayo ng kahirapan sa paglalakad sa mga kalsada. Dahil basa ang paligid, napuputikan tayo o kaya naman ay nababaha. Ang mababad ang paa sa madumi ay pinagmumulan din ng sakit.


Pero isa sa mga kinakatakutang sakit ay ang Dengue. Ang Dengue ay nagmumula sa kagat ng mga babaeng lamok na kumakalat sa dugo. Nangingitlog at dumadami ang mga lamok sa mga naiipong tubig. Kaya kapag tag-ulan, mas nababahala ang maraming magulang sa kanilang mga anak na maaring dapuan ng ganitong sakit. Hindi lamang din sa mga bata pati na rin sa mga matatanda. Nababahala din ang mga guro sa paaralan sa pangangalaga ng kanilang mga estudyante.




May mga pamahid at mga aparatos na ginagamit pangtaboy sa mga lamok. Masabi mang epektibo ang mga ito, hindi dapat ibalewala ang panganib ng ganitong sakit. Katulad na lamang ng isang guro sa Thailand na nagpakita ng kakaibang paraan ng pangangalaga sa kanyang mga mahal na mag-aaral. Sa larawan na ibinahahi sa Facebook page na “RMN Iloilo”, makikita na naglagay siya ng malaking kulambo upang maprotektahan ang mga mag-aaral sa kagat ng lamok. Makikita din sa larawan na nagtuturo ang guro at may naka-tutok na electric fan sa kanila. Ang mga larawang ito ay nagviral at inulan ng papuri ng mga netizens. Marami ang nabilib sa ginawang pamamaraan ng guro sa layunin niyang alagaan ang kanyang mga estudyante. Ang tanong lang ay malinaw ba nilang nakikita ang pisara? Nalilimitahan ba ang paglabas-pasok sa loob ng kulambo na maaring maging dahilan ng pagpasok ng lamok sa loob? Ano man ang mga naiisip, ang mahalaga ay nasa mabuti ang ginawa ng gurong ito para sa kanyang mga mag-aaral.


Gayon pa man, mas epektibo pa rin ang pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran upang ang pagkakaroon ng ganitong sakit ay maiwasan.





error: Content is protected !!