Janno Gibbs, nabigyan ng jacket ni Willie Revillame sa pagkikita nila sa isang Mall



Kapag narinig ang mga salitang “Bigyan ng Jacket yan!” ang unang papasok sa isipan natin ay si Willie Revillame o si Kuya Wil. Tunay na marami ng natulungang tao si Kuya Wil hindi lamang mahihirap pati narin ang mga kaibigan at mga katrabaho. Masasabing marami ang humahanga kay Kuya Wil sa pagbabahagi niya ng kanyang tagumpay sa maraming tao.


Kahit na ang simula ng buhay ni Kuya Wil ay mahirap, marunong pa rin siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan. Kaya magpa-hanggang ngayon ay mayroon pa rin siyang programa na ang layunin ay makapag-bigay kasiyahan at maka-tulong sa mga nangangailangan.




Pero hindi pa natatapos ang kabutihan ni Kuya Wil, may mga taong magpapatunay ng tunay na kabaitan ni Willie Revillame. Sa isang social media post ni Janno Gibbs, ibinahagi niya ang pagkikita nila ni Willie Revillame sa isang Mall noong ika-27 ng Hunyo.


Ayon sa Instagram post ni Janno Gibbs:
“Bigyan ng Jacket Yan!” Nakasalubong ko si Willie Revillame while shopping. Nagkuwentuhan. Naggoodbye na ako. Binalikan nya ako. Tinanong ano daw gusto ko. Sabi ko wag na. Mapilit sya. Inutusan ang saleslady “Bigyan ng jacket yan!” ? Salamat pare ?Ikaw na nga ? Noong mga araw na iyon ay namamsyal si Janno Gibbs sa Power Plant Mall sa Makati City sa isang boutique na Zara ng makita niya si Willie Revillame. Sila ay nagkausap at nagkwentuhan at ng matapos ay nagpaalam na si Janno kay Kuya Wil. Pero binalikan si Janno Gibbs at inaalok kung ano ang gusto. Tumanggi pero mapilit si Kuya Wil, kaya inutusan ang saleslady sa pagsabi ng “Bigyan ng jacket yan!”.



Makikita sa larawan na tumutulong pa si Kuya Wil sa pagpili ng jacket na ibibigay kay Janno Gibbs. Kaya sa huling bahagi ng post ni Janno Gibbs ay lubos ang pasasalamat niya kay Kuya Wil na tinawag niyang pare.