Litrato ng nagpa-“groufie” na mga turista, nagmistulang background lang ng tour guide dahil naka-‘blurred’ ang background



Kakambal na ng pamamasyal ang pagkuha ng mga litrato. Kung dati ay pahirapan ang pag-iipon ng alaala, ngayon ay napaka-dali na dahil ang mga cellphone ay may mga camera na. Ang mga litrato sa pamamasyal ay isang mahalagang bagay upang maalala ang kasiyahan na naramdaman. Dahil uso na rin ang mga ‘front camera’ sa mga cellphones, nagkaroon na rin ng salitang ‘selfie’ o ang tawag sa pagkuha ng litrato sa sarili. Kaya kung maraming tao ang magpapalitrato, tinatawag naman itong ‘groufie’.



May mga litratong nakukuha din kapag nakita ay talagang kinaaaliwan. Ito ay mga litratong sinasabing hindi sinasadya pero nakaka-tuwa. Katulad na lamang ng litratong ibinahagi sa Facebook ni Kim Santiago sa pamamasyal nila ng pamilyang Santiago sa El Nido, Palawan. Todo post ang pamilyang Santiago sa larawan kasama ang kanilang Tour Guide na si Victor. Kaso nga lang, blurred ang mga mukha nila at tanging si Kuya Victor lamang ang malinaw ang mukha.

Ito ang panimula ng post:
“Thanks a lot to our tour guide. It was a huge honor that we were captured just a little on our group pic,” Kinaaliwan ng maraming netizens ang naturang litrato ngunit may iba naman na kabaliktaran.

Idinagdag pa ni Kim Santiago:



“PS. SO BAKIT ANDAMING GALIT? hahaha aware si kuya victor na ippost ko to kasi natawa kaming lahat pagkakita namin sa mga picture. Hindi rin po yan inedit portrait mode yan iphone xr. Hindi rin kami aware na nakaportrait kasi may kalayuan po sya samin. Hindi ko sya pinapahiya. I posted this kasi relate yung mga may focus yung cam tapos unaware sila pag groupfie. Sya nga natawa sa pic might as well kayo na rin Good vibes lang mga dude pare chong?? Chill lang tayo”


Sa isang panyam ay ibinahagi ni Kim Santiago ang kanilang pamamasyal sa El Nido Palawan. Naganap ito noong June 12 sa Hidden Beach. Sabi ni Kim ay nagpapakuha sila kay Kuya Victor ng mga litrato at humiling din ng bandang huli na sumama na din sa ‘groufie’ para makita din siya. Maraming netizens ang naka-relate sa post ni Kim Santiago. Ang iba ay nagbahagi din ng mga larawan na kaugnay sa post ni Kim. Kaya naman mabilis kumalat at nag-viral ang post at dumami ang reaksyon at shares nito.




error: Content is protected !!