Siya pala ang mister ng Kadenang Ginto star na si Dimples Romana! Talaga namang inspirasyon sila sa 16 na taon nila na pagsasama!



Hindi tulad ng kaniyang karakter sa popular at pinag-uusapang teleserye tuwing hapon na Kadenang Ginto, si Dimples Romana o kilala din naman bilang si Daniela Mondragon-Bartolome ay hindi na kinakailangan pa na mang-akit ng lalaki upang maging asawa niya dahil mayroon nang lalaki na nakakuha ng matamis niyang oo at nakakakuha ng kaniyang puso.


Si Dimples Romana ay 16 na taon nang kasal sa kaniyang mister na si Boyet Ahmee at biniyayaan na sila ng dalawang mga anak. Nagbahagi nga kamakailan lamang ng mga throwback photo ang aktres upang maipakita at maipagmalaki sa lahat ang kanilang pagmamahalan. Nilagyan pa ito ni Dimples ng caption na, “No matter how dark it gets in your life, find the light within one another or within yourself.”




Sa isang episode nga ng programang “Magandang Buhay” noong nakaraang taon ay ibinahagi nina Boyet at Dimples kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan. Ayon kay Boyet, nakilala niya ang aktres sa kaniyang kaibigan na dati pa lang naging nobyo ng mahusa na aktres. Bukod pa rito ay magkalapit lang din sila ng tahanan.


Noong mga panahon na sumakabilang-buhay ang ama ni Dimples ay si Boyet ang naging matatag niyang sandigan. Naging malapit sila sa isa’t-isa, naging magkaibigan at kalaunan ay naging magkasintahan din sila.


Narito nga ang nakakakilig at punong-puno ng inspirasyon na mensahe ni Dimples sa kaniyang mister para sa kanilang higit sa ika-15 taon nilang anibersaryo:
“There’s always been a third party- The LORD. When we almost lost hope and faith in one another we found comfort in knowing that the GOD who was present when we made our vows to love one another till deÅth do us part is also present during these times and though we as human beings may run out of love and patience- HIS LOVE REMAINS and HIS LOVE will sustain us. For a faithful and forgiving love, THANK You. Happy almost 15th-anniversary Myluv.”





error: Content is protected !!