Dalawang helicopter ng sikat na host na si Willie Revillame nagkakahalaga ng higit sa P100 milyong piso!

Siya ay ipinanganak bilang si Wilfredo Buendia Revillame ngunit kilala din naman siya ng marami bilang si Willie Revillame. Nagsimula siya bilang isang drummer ng aktor, komedyante, at mang-aawit na si Randu Santiago bago pa man siya napalinya sa pagiging host.


Siya ngayon ay 57 taong gulang na at nanatiling aktibo sa kaniyang mga negosyo at hosting career. Siya ay isa kilalang aktor, host, negosyante at talaga namang kilalang matagumpay sa kaniyang buhay dahil sa layo na ng kaniyang narating, sa kaniyang mga mamahaling sasakyan, at ang sarili niyang “Wil Tower”.


Ngunit higit pa sa kaniyang mga ari-arian ay mayroon din siyang dalawang mga helicopter, ang Robinson R44 at ang Robinson R66 Turbine na diumano ay nasa higit P100 milyon ang halaga. Ayon sa ulat ng PEP, isang tao na malapit mismo kay Willie Revillame ang nagbunyag na ang Wowowin host ay mayroong sarili niyang mga helicopter. Ang Robinson R44 ay tinatayang nasa P35 milyong piso habang ang R66 Turbine naman ay nagkakahalaga ng US$1.2 million o higit sa P61.8 milyong piso.


Bukod sa pagmamay-ari ng mga helicopter na ito ay marunong din diumanong magpalipad ang komedyante ng mga sasakyang panghimpapawid. Sa katunayan nga ay ibinahagi niya sa kaniyang panayam sa “Funfare” na kaya niyang magpalipad ng chopper at kaya niya rin itong palapagin. Maaalala na ang kaniyang Wil Tower ay matatagpuan lamang malapit sa ABS-CBN studios na mayroon ding helipad.


Ito ang kaniyang naging pahayag:
“I am attending a ground schooling. Three captain pilots are teaching me how to fly. Hopefully, I can fly alone after my training. I still have five training days. All in all, I should complete 40 hours so that I can fly alone.”


Sa dami ng kaniyang pinagkakaabalahan sa ngayon, mula sa Maynila, Tagaytay, pagsusuri at pag-oobserba sa bagong resort na kaniyang nabili sa Mindoro tiyak na wala nang oras na masasayang pa sa kaniya lalo na sa tindi ng trapik sa kakalsadahan ng Maynila.



error: Content is protected !!