Ibinahagi ng magasawang Pinay at Foreigner kung paano sila nagkakilala, sa pamamagitan ng isang ‘dating app’



Dahil gamit na gamit ng tao ang internet, ginagawa ding paraan ng mga single na makahanap ng kanilang makaka-pareha. Sa pamamagitan ng social media apps o kaya mga dating apps ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na maka-kilala ng ibang tao upang maging kaibigan at pag nag-click ay pwedeng magka-tuluyan.



Pero may mga iba na naloloko at nanloloko. Iba-ibang tao ang mga makikilala dito, kaya maswerte lang talaga kung sakaling makilala mo ang iyong forever sa pamamagitan nito. May mga pagkakaton na tanging pera lamang ang habol ng iba at hindi pakikipag-relasyon.


Pero sa mag-asawang Jam at Jason Kotenko, pinatunayan nila sa kanilang kwento ang pinagmulan ng kanilang pagmamahalan. Ito ay sa pamamagitan ng isang online dating app na tinatawag na OkCupid. Sa dating app na ito ay nagsimula silang magkakilala noong 2010 at magpapatunay na may mga taong pinapalad sa mga ganitong pangyayari. Mula sa pagka-dismaya ni Jam sa mga nakikilalang lalaki sa bansa, sumubok naman siyang maghanap ng magiging nobyo sa OkCupid. Gabi ng bago sumapit ang bagong taon, si Jam ay nakilala si Jasob Kotenko sa isang dating app. Bagamat galing siya sa mga hiwalayan at natatakot ng subukan ulit magmahal, siya pa rin ay nagtiwala na may darating pa na mas mabuti para sa kanya. Si Jam ay taga-Ayala, Alabang at nakilala ang kanyang ‘forever’ na si Jayson Kotenko’ na isang programmer sa Trivera Technologies. Nakita.



Dahil sa app na OkCupid, nagkakilala sila, nagkamabutihan, at magiging pang-habang buhay na kasama.

Ayon sa isang panayam kay Jam:
“I viewed his, found his profile interesting and initiated a correspondence. The rest, as they say, is history.” At that time, Jason was a programmer at Trivera Technologies.



Ang kanilang kwento ay patunay lamang na walang masamang sumubok sa mga katulad nitong dating apps. Ang gawin lamang ay maging matalino at huwag magpaloko. Malay mo, ikaw naman ang sunod na maging maswerte sa paggamit nito.




error: Content is protected !!