Maraming mga tagahanga at tagasuporta ni John Lloyd Cruz ang nasorpresa matapos nilang makita na naghuhugas ng mga pinggan!



Si John Lloyd Cruz ay naging usap-usapan ng publiko matapos nitong iwanan ang industriya ng show business upang mapagtuunan ng pansin ang kaniyang personal na buhay kasama ang kaniyang partner na si Ellen Adarna. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang nila ang unang kaarawan ng kanilang anak na si Elias Modesto. Ngayon ay pinagkakaguluhan ng maraming mga netizen ang mangilan-ngilang mga larawan na mula sa kaarawan ni Elias kung sino nga ba ang kamukha ng kanilang anak, kung si John Lloyd nga ba o si Ellen Adarna.



Kamakailan lamang ay namataan ang dalawa habang masaya at buong kagalakan nilang ipinagdiriwang ang espesyal na araw ng kanilang unico hijo. Talaga namang makikita mo sa kanila ang pagiging simple at pagyakap nila sa simple nilang pamumuhay ng halos higit dalawang taon na. Bukod pa rito ay usap-usapan na rin sa social media ngayon ang kumakalat na video ng sikat na drama actor.


Isang netizen na mayroong account name na @ellen_jlc ang nagbahagi ng nasabing video sa Instagram na makikita na naghuhugas ng pinggan ang aktor at mayroon caption na “Gwapong Dishwasher”. Bagamat marami ang nagkokomento ng hindi maganda at naghahamak sa pisikal na anyo ng aktor ngayon, marami pa din naman siyang taga-suporta at tagahanga na walang sawang nagmamahal at sumuporta sa kaniya.


Narito naman ang mga naging komento ng mga netizen sa viral video:
jlene21: “Ang sipag mo tlga poy!yan ang gusto ko syo idol”
generoce: “Swerte Naman ni ellen?? Gwapo na masipag pa????”
edzvirtucio: “Kakakilig ang ganito….simple pero masaya sila…??????????….”
claire143_denuyo: “Ginoo ko ka gwapo sa nang hugas, walay arti2x ang uban bati pa gane ug nawong dli pa manghugas kinan an”



Muli siyang nagbalik sa kaniyang naudlot na karera ng siya ay naging endorser ng isang kilalang Shawarma product at diumano ay gumagawa sila ng pelikula o comeback movie kasama si Bea Alonzo.




error: Content is protected !!