Categories: NewsShowbizViral

Mga litrato ng bunsong anak nila Dingdong at Marian, napaka-cute at mala-anghel ang itsura

Maaalalang ipinanganak ng Kapusong Aktres na si Marian Rivera ang kanilang pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes noong nakaraang Abril. Ito ay ipinagpasalamat nila dahil ‘Easter Sunday’ pa ang naging kapanganakan ng lalaling anak nila na si Jose Sixto Dantes IV. Tinawag nila sa palayaw na Ziggy ang mala-anghel na anak nila at talagang sinusubaybayan ng marami nilang fans at netizens ang mga larawang ibinabahagi nila.


Kung mapapansin sa mga litrato dati ni Baby Ziggy, hindi pa masyadong malapit ang kuha. Pero netong ika-25 ng Hulyo taong 2019, nagbahagi mag-asawang Dingdong at Marian ng mga litrato na makikitang mabuti ang itsura ng malapitan ng kanilang bunsong anak na si Baby Ziggy. Bawat magulang ay ipinagmamalaki ang kanilang mga anak. Katulad nila Dingdong at Marian, parehas nilang ipinapakita na sila ay masaya sa pagkakaroon ng kanilang ikalawang anak. Ibinahagi ni Dingdong Dantes ang dalawang larawan kung saan ay makikita na karga nila si Baby Ziggy. Isang larawan ay karga ng ama at ang isa ay karga naman ng ina. Nakaka-aliw pagmasdan ang pagiging cute ni Baby Ziggy lalo na ang buhok ay naka-ayos pa.


Ang ibinahaging larawan ni Dingdong Dantes ay umani ng maraming likes sa mga netizens at ang iba pa nga ay nagsabi na hindi nahihiya sa camera ang bata.

Sa litratong si Dingdong ang may karga, may caption ito na:
“Sixto x Sixto”


Sa litrato naman na si Marian ang may karga, may caption ito na:
“Ano kaya ang nasa isip niya?”

May mga ilan na nagsabi na kapag nagbinata na si Ziggy, mas magiging kamukha ni Dingdong ito. Ang iba naman ay sinasabing kamukha ni Marian. Pero para hindi na pagtalunan, mas kamukha niya ang ate niyang si Zia. Masasabing napaka-ganda ng pamilya nila Dingdong Dantes at Marian Rivera. Dahil sa taglay na kagwapuhan ni Dingdong at kagandahan ni Marian, artistahin din siyempre ang mga anak. Sa tingin niyo, sino ang kamukha ni Baby Ziggy?

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago