Yeng Constantino sinorpresa ang kaniyang mga tagahanga sa kaniyang beach body figure!

Sinorpresa ng singer na si Yeng Constantino ang kaniyang mga tagahanga matapos nitong magbahagi ng kaniyang larawan sa social media habang siya ay nakasuot ng one-piece black swimsuit. Nabigla ang maraming mga netizen dahil kilala si Yeng sa kaniyang “conservative image” at napakadalang rin na nagpopost ng kaniyang mga sexy photos online.


Ngunit para sa maraming mga netizen, marami pang kayang ipakita ang singer at talaga namang mayroon siyang magandang katawan. Bagamat hindi si Yeng ang tipo ng tao na magpopost ng mga larawan habang nakasuot ng mga swimwear sinigurado namang niyang magiging kakaiba ang bakasyon niyang ito.


Ayon pa nga sa ilang mga netizen, ang mga swimwear photos niya ay talaga namang papasa na sa FHM’s list. Sino nga ba naman ang hindi mabibighani sa angking kagandahan ng isang Yeng Constantino habang siya ay nakasuot ng “red bandeau at high cut bikini”. Ipinagdiwang nila ng kaniyang mister ang ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal sa El Nido, Palawan.


Ang singer-composer at Pop Rock Princess ay hindi rin nagpakabog sa kaniyang white swimsuit habang sila ng kaniyang mister na si Yan Asuncion ay patungo sa Big Lagoon at Small Lagoon ng El Nido, Palawan.


Ang “Tawag ng Tanghalan” hurado ay hindi rin nagpahuli na ipagmalaki ang kaniyang itim na swimsuit habang sila ay bumisita sa Balesin Island Cove. Siya ay nagbahagi ng ilang mga nakakabighaning larawan niya sa social media, kung noon ay kilala siyang konserbatibo, ngayon ay hindi na siya nahihiya o nagdadalawang-isip pa na ipakita rin sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang kakaibang parte ng kaniyang pagkatao.


Ang pagmamahal at pag-iingat sa kaniyang pangangatawan bilang isang babae na nararapat lamang na maging inspirasyon sa maraming mga kababaihang Pilipino sa loob at labas man ng ating bansa. Kitang-kita naman talaga ang napakagandang ngiti at kasiyahan ni Yeng sa kanilang bakasyon kasama ang kaniyang mister.



error: Content is protected !!