Isang lalaki na dating sundalo, 26 ang anak sa 19 babaeng makikita sa iba’t ibang lugar sa bansa

May mga pagkakataon na natutukso ang iba na kumaliwa o magtaksil sa kanilang asawa. Ito rin ang nagiging dahilan ng pagkasira ng pamilya. Kadalasan sa mga dahilan ng pagtataksil ay ang hindi pagkakuntento sa asawa o sa tukso. Pero sadya talagang ang iba ay nahihiligan lang na gawin ang pangangaliwa.

Katulad na lamang ng lalaking ito, Kung may mga ibang lalaki na itinatago ang kanyang mga nagiging anak sa ibang babae, ang lalaking ito ay talagang nahiligan ang pagkakaroon ng maraming anak sa iba’t-ibang babae sa maraming lugar sa bansa.

May mga larawan pa nga kung saan ay ibinahagi ni Lordy Apolonio ang 26 niyang anak sa 19 babae na kanyang nakasama. Sa programa ng GMA-7 na “Kapuso Mo Jesica Soho”, itinampok dito ang istorya ng pagka-lodi ni Lordy. Sa palabas ay sinabi ni Lordy ang mga lugar sa bansa kung saan siya ay nagkaroon ng anak. May pagkakataon pa na may mapa siya ng bansa at minamarkahan niya ang mga lugar na nagkaanak siya. Mukhang ikinalat niya talaga ang kanyang lahi sa buong bansa.

Tubong Tarlac si Lordy Apolonio at dating sundalo. Bagamat may edad na siya ngayon, sinasabi niyang maganda ang pangangatawan niya dati at matipono. Maskulado kumbaga ang kanyang datingan at maayos magdala ng uniporme. Kaya naman madali daw para sa kanya ang magkaroon ng babae. Naging boksingero din siya at napapalakpakan ng mga tao. Kaya nga sa bawat lugar kung saan siya ma-destino, nagkakaroon siya ng babae sa mga lugar na iyon.

Sinasabi din na na ito ay namana niya sa kanyang ama ang pagiging babaero. Pero bakit nga ba naging ganito si Lordy? Bakit sobra naman atang babaero niya?

Nagsimula ito noong siya ay unang nagmahal ng isang babae na taga-Samar. Nagkaroon sila ng anak, ngunit nagawang lokohin siya ng asawa niya pagkatapos ng isang taon. Dito nagsimula ang lahat ng kanyang pambabae at ng umabot ng 26 ang kanyang anak.

Source: KMJS GMA



Reply

error: Content is protected !!