Kuya Wil nakipagkulitan sa mga batang kalye, umani ng samu’t-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko!

Kamakailan lamang ay marami ang natuwa at nasiyahan sa video ni Kuya Wil ng “Wowowin” na kasama ang ilang mga batang kalye at tila nagkakaroon ng kasiyahan at kulitan sa tabing kalsada. Ang nasabing video ay ibinahagi ng Facebook page na “Viral Planet” na mayroong caption na “Kuya Wil with the Kalye boys, Lupet ng mga bata kumanta!” na kuha ni Adrian Gret.

Kasama ng 57-taong gulang na host, komedyante, aktor, at matagumpay na negosyante ang isa sa kaniyang mga regular hosts na si Hipongirl na talaga namang hindi rin nagpahuli sa kakulitan. Ang mga bata ay naglaro ng pamasong “Hephep Hooray” ni Kuya Wil ngunit sa halip na nasa Wowowin studio sila ay sa tabing kalsada na lamang o tila isang parking area nila ginawa ito. Mababakas nga sa mga mata ng mga bata na ito ang saya at ligaya sa kanilang ginagawa. Tila ba kahit isang gabi lamang o sa maikling sandali ay nalimutan nila ang lungkot at mga problema sa buhay na kanilang kinakaharap sa araw-araw. Hindi madali ang maging batang kalye at mapunta sa ganoong sitwasyon ngunit sa kabila ng mura nilang mga edad ay ang matapang nilang pagharap sa hamon ng buhay.

Tunay ngang umani ng maraming mga positibong komento at mga papuri ang video na ito ni Kuya Wil na kahit papaano ay nagbigay kasiyahan sa mga batang lansangan. Sana ay marami pa siyang matulungan na mga tao at mga kabataan upang kahit papaano ay maging maayos ang kanilang mga buhay.

Hindi rin naman lingid sa ating kaalaman na si Kuya Wil ay nagsimula rin sa ibaba, nagsimula rin siya sa hirap kung saan siya ay naging drummer ng kaniyang kaibigan na ngayon na si Randy Santiago at naging sidekick ng mga sikat na aktor sa industriya ng telebisyon. Sino nga naman ang mag-aakala na magkakaroon siya ng maraming mga negosyo, dalawang helicopter na nagkakahalaga ng P100 milyong piso, malalaki at magagarang bahay at mga sasakyan, sariling Wil Tower at marami pang iba.

Tunay nga na siya ay isang inspirasyon na magsumikap lamang tayo at tiyak naman na makikita ng Panginoon ang ating mga ginagawa at tayo ay Kaniyang pagpapalain. At kung tayo ay pinagpapala na, huwag rin naman nating kakalimutan ang magbalik ng tulong sa mga tao na nangangailangan at hirap din sa buhay.



Reply

error: Content is protected !!