Litrato ng kasal ng isang 25 taon na babae at 87 na lalaki, inakalang pera ang habol ng babae pero ang katotohanan ay aantig sa inyong mga puso

Sa panahon ngayon, maraming kababaihan ang nagnanais na makasal sa lalaking mayaman. Kaya nga ang sabi ng iba ay pumopogi ang isang lalaki kung may pera. Pero ito ba talaga ang batayan sa isang pagsasama o kasalan? Siyempre hindi! Kaya ang mga babaeng nagpapakasal sa mga mayayaman ay tinatawag na ‘Gold Digger’.


Kaya naman binatikos ng ilang mga tao ang nag-viral na mga litrato ng kasal ng isang dalaga at matandang lalaki. Bagamat hindi alam ang pinaka-dahilan sa litrato, maraming negatibong komento ang sinabi patungkol kay Fu Xuewei na babae sa litrato.


Si Fu Xuewei ay isang 25 n taong gulang na babae na taga-Chengdu, China. Sinabihan man ng masasakit na mga salita at iniisipan na pera lang kaya pinakasalan ang matanda, ang tunay na dahilan ay siguradong aantig sa puso dahil sa magandang layunin nito.


Ang larawan na nakita na kasalan ay kunwari lamang. Ang wedding photoshoot na iginawa ay para lamang sa kanyang lolo na 87 na taong gulang na may karamdaman. Pangarap ng lolo ni Fu Xuewei na makalakad sa prusisyon sa kasal ng apo habang nabubuhay pa siya. Kaya ang pangarap ng lolo ay itinupad ni Fu Xuewei.


Dahil hindi pa nais magpakasal ni Fu Xuewei, gumawa siya ng paraan upang maranasan ng kanyang lolo ang nasabing pangarap. Gumastos sa mga kasuotan, lugar ng kasal, at photographer upang maparamdam sa kanyang lolo ang pagmamahal niya bilang apo. Hindi man tunay ang kasal, siguradong napasaya niya ang kanyang lolo.


Bagamat binatikos ng maraming tao ang mga larawan ng kasal, naging positibo parin si Fu Xuewei sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa lolo. Sa sobrang pagmamahal sa kanyang lolo, siya ay nagpa-tatoo sa braso.
Ayon kay Fu Xuewei:
“I had my grandfather’s portrait tattooed on my arm in January because I want my new friends and my children to be able to know what he looks like in the future.”



error: Content is protected !!