Pokwang, ibinahagi ang ‘bonding moments’ nila ng napaka-cute na si Baby Malia

Ang magkaroon ng anak ay isang biyaya na dapat lamang na mahalin, ingatan, at pangalagaan. Sa mga magulang, ang mga bata ang nagsisilbing lakas nila upang maging matatag at masigla. Ang mga anak ang nagsisilbing dahilan ng pagsisikap upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

Kaya naman kapag baby pa ang anak, todo pangangalaga ang ginagawa upang maingatan mabuti ang anak. Sobrang ligaya ang hatid ng bawat pagngiti ng mga anak lalo na kung galing sa trabaho ang magulang. Sa hirap at pagod na naranasan ng maghapon, isang ngiti lng sa anak ay mapapawi na ang lahat. Kapag baby pa ang anak, nakaka-aliw alagaan ito. Itinuturing ding parang anghel ang mga bata dahil sa itsura nilang kagiliw-giliw.


Katulad na lamang ng ipinapakita ni Pokwang sa kanyang anak na si Malia Obrian. Ang bonding moments nilang mag-ina ay hindi matatawaran. Batid din sa mukha ni Pokwang ang kaligayahang hatid ng kanyang munting anghel.

 

View this post on Instagram

 

asuusss talande hahahahaa @malia_obrian

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Si Marietta Subong na mas kilala natin sa pangalang Pokwang ay napamahal sa isang foreigner na ang pangalan ay Lee O’Brian. Binyayaan sila ng napaka-cute na bata na si Baby Malia. Kaya sa social media accounts ni Pokwang, sobrang hinahangaan ng mga netizens ang mga ibinabahagi niyang mga posts patungkol kay Baby Malia.

Ang mga ‘bonding moments’ nila ay nakaka-wiling tignan lalo kapag ngumiti na si Malia. Tila ba parang manika ang itsura ng bata. Ilan sa mga post ni Pokwang sa kanyang IG accounts ay kinaaliwan ng mga netizens.

 

View this post on Instagram

 

tag mo friend mo na napaka pa cute sa camera kahit kulang pa ang ngipin hahahahahahaha i love you @malia_obrian

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

May isang post si Pokwang na nililinis ang paa ni Malia at inaayusan ang buhok. Ito ang naging caption ng post: “napaka saya ng bahay namin ngayon lalo na meron kaming anghel na napaka gandaaaaa…. buhay na manyika ika nga hahahahaa 😘❤️❤️❤️ #ourbabylivingdollMalia goodvibes monday muna po 😊

Nakaka-tuwa ang kakulitan ng mag-ina habang nagaayos sa harap ng salamin. Ito naman ang caption ni Pokwang sa post: “asuusss talande hahahahaa @malia_obrian Mayroon ding pagkakataon na ngumingiti si Malia sa camera kahit na kulang pa ang mga ipin niya. Ito naman ang naging caption ng nakaka-giliw na ngiti ni Malia: “tag mo friend mo na napaka pa cute sa camera kahit kulang pa ang ngipin hahahahahahaha i love you @malia_obrian”



Reply

error: Content is protected !!