Post ng isang single mom usap-usapan ngayon ng marami dahil sa makabagbag-damdamin nitong mga pahayag!

Sa panahon ngayon marami na talaga ang mga tao na mapanghusga sa kanilang kapwa at talaga namang wala nang pinipiling mga salita at tila ba hindi na naiisip pa ang mga tao na masasaktan o maapektuhan ng kanilang panghuhusga o pangungutya. Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang post ng isang ina o mas kilala rin ng marami bilang isang “single mom” patungkol sa kaniyang naging karanasan sa mga mapanghusgang tao ng lipunan.

Siya ay nakilala bilang si Jenelyn Garcia at kasabay ng kaniyang larawan kasama ang kaniyang anak ay ang kaniyang pagsasalarawan ng kaniyang mga dinanas na hirap at panghuhusga nang dahil sa pagiging “single mom” niya. Ayon sa kaniyang post, marami ang nanghuhusga sa kaniya dahil sa siya ay isang single mom, o isa siya sa mga kababaihan na mayroong anak ngunit walang asawa.

Nakakalungkot nga na maituturing ito ngunit wala rin namang nagnais na maging ganito ang kanilang sitwasyon lalo pa at mayroong isang bata na walang kamuang-muang na nadadamay sa mga masasakit na salitang binibitawan ng mga mapanghusgang tao laban sa kaniyang ina.

Tunay nga ba na kapag ikaw ay isang single mom ay wala ka nang karapatang lumigaya? Mas karapat-dapat nga ba na mahalin ang mga tao o mga indibidwal na walang sabit o walang anak? Ayon sa viral post ng netizen na ito, masakit para sa kaniya ang makarinig ng mga salitang “wag dyan, may anak na yan, may sabit yan.

” Maaaring ito ay maging isang kumplikadong relasyon para sa marami o di kaya naman ay ikasira din ng isang relasyon kalaunan ngunit hindi rin naman tama na husgahan natin sila dahil lamang sa pinangatawanan nilang maging isang tunay na ina at magulang sa kanilang mga anak na hindi nagawa at napangatawanan ng kanilang mga naging kasintahan.

Wala rin namang pinagkaiba ang mga single mom sa mga tunay na ina dahil sa siyam na buwan din nilang dinala ang kanilang mga sanggol, at tiniis lahat ng paghihirap at pasakit para lamang makaipanganak ng mapayapa at maayos ang kanilang mga anak kahit pa mga sila lamang at wala ang kanilang mga kapareha. Ang post din na ito ay naging isang napakagandang inspirasyon para sa marami pang mga kababaihan sa buong mundo lalo na sa mga single mom na nagmamahal muli sa kabila ng kanilang mga dinanas na pagsubok at paghihirap sa buhay.



Reply

error: Content is protected !!