Tinawag na “Human Chair” ang isang lalaki sa pagbibigay upuan sa kanyang nobya sa pamamagitan ng kanyang katawan

Ang pag-ibig ay sadyang matalinhaga. Hindi natin alam ang kayang gawin nito sa isang tao. Kaya nitong magbigay ng lakas upang makapag-sakripisyo at makapag-bigay ng kasiyahan sa isang minamahal. Para sa isang taong nagmamahal, kaya niyang gawin ang lahat para mabigay ang pagmamahal. Kahit na mahirapan o masaktan. Ang taong totoong nagmamahal ay walang hangganan ang kanyang pagmamahal. Hindi niya binibilang ang mga nagagawa at hindi nanunumbat. Kaya kahit anong problema ang dumadating, tanging pagmamahal ang nagwawagi.


Para sa mga magkasintahan o mag-asawa, dumadating sa puntong kinakailangan magsakripisyo upang mabigyan ng kasiyahan ang mga minamahal. Kahit na dumadating na sa puntong hirap na hirap ay kinakaya pa rin. Katulad na lamang ng lalaking ito na nakuhanan ng litrato sa isang kalsada sa New York.


Nagmistulang parang upuan ang lalaking ito para sa kanyang nobya. Dahil hindi din naman matukoy ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ito ng lalaki sa kanyang nobya, magpapakita ito ng labis na pagmamahal niya sa kanyang nobya. Kung pagmamasdan ang litrato, makikita na mahirap ang ginawang posisyon niya at may bibit pang plastik bag na may laman. Makikita rin sa larawan na may kausap ang babae sa telepono habang maginhawang nakaupo sa hita ng kanyang nobyo. Bagamat pinakitaan ito ng pagmamahal ng lalaki sa kanyang nobya, ang litratong ito ay umani ng iba’t ibang reaksyon at komento sa mga netizens.


Ayon sa mga ibang nagkomento, naiinis sila sa babae kung paano tratuhin ang kanyang nobyo na parang isang kasangkapan. Hindi biro ang ginawa ng lalaking ito at malamang ay tinitiis niya ang bigat at sakit sa pagporma bilang upuan. Sa iba naman ay labis na paghanga sa lalaki sa pagbibigay ginhawa sa kanyang pinaka-mamahal na nobya. Bibihira lang ang mga lalaking katulad nito na kayang magsakripisyo para sa ikaka-ginhawa ng kanyang pinakamamahal.



Reply

error: Content is protected !!