Eugene Domingo masayang masaya sa piling ng kaniyang Italyanong nobyo sa tatlong taon na nilang relasyon ngayon!



Pag-ibig, tila isang simpleng salita lamang ngunit mayroong malalim na kahulugan. Marami sa atin ang nahanap na ang ating mga tunay na pag-ibig o kung tawagin ng marami ay ang ating “one true love”. Kung nahanap mo na ang iyong magiging kapareha ay tiyak na mas masaya ka na ngayon kaysa dati.


Tulad na lamang marahil ng kilalang komedyante na si Eugene Domingo. Bagamat marami ang nagsasabi noon na mukhang magiging matandang dalaga na lamang siya dahil sa wala pa siya nagiging karelasyon sa kabila ng kaniyang edad ay hindi naman siya nawala ng pag-asa, maging ang kaniyang mga tagahanga at taga-suporta na dadating din ang araw na mahahanap at makikilala niya rin ang lalaki na magpapasaya, mag-aalaga, magmamahal at magpoprotekta sa kaniya. At ngayon nga ay ginulat ni Uge ang publiko dahil sa kaniyang pagpapakilala ng kaniyang nobyo.




Masayang-masaya niyang ibinalita ang kaniyang tatlong taon na relasyon sa Italyanong nobyo niya na nakilala sa pangalan na Danilo Bottoni. Bagamat long-distance relationship sila ay malaki din naman ang naitutulong ng mga gadget at teknolohiya para sa kanilang komunikasyon.


Aminado ang 47-anyos na aktres at komedyante na hindi naging madali para sa kanila ang kanilang mga pinagdaanan sa kanilang relasyon ngunit napagtagumpayan nila ang mga ito dahil na rin sa kanilang pag-ibig sa isa’t-isa.


Ayon nga sa ilang report, tinanong si Eugene Domingo kung iiwan ba niya ang show business kung sila ay lalagay na sa tahimik at ito ang kaniyang naging kasagutan:
“Of course, but I am not saying that I am going to retire as an actress because an actor never retires kasi hindi naman ‘yan parang trabahong parang pag-60 years old ka na pension na. Alam n’yo naman na you can act kahit hanggang 100. But if it will call for more time to be spending in Italy then yes.”





error: Content is protected !!