Magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi, close na close sa isa’t-isa na talaga namang hinangaan at pinuri ng marami nilang mga tagahanga at tagasuporta!



Ang pamilya ay tunay nga na isa sa pinakamagandang biyaya mula sa Maylikha. Sila ang mga tao na kahit kailan ay hindi tayo tatalikuran at pababayaan. Sila rin ang ating inaasahan sa mga panahong ng kabiguan, kalungkutan at kasawian. Ang pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya ay talaga namang nakakatulong sa isang indibidwal na maging mabuting tao.


Dahil na rin sa ang mga mabubuting ugali ng isang tao ay una na niyang natutunan sa loob ng kani-kanilang tahanan at sa piling ng kanilang mga pamilya. Kung kaya naman kung ikaw ay mayroong pamilya, mga magulang, at mga kapatid ay mapalad ka nang maituturing dahil hindi naman lahat ng tao sa mundo ay nagkakaroon ng pagkakataon na makasama at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Iba pa rin talaga kung ikaw ay lumaki nang mayroong ama, ina at mga kapatid sa iyong paglaki.




Kagaya na lamang ng kilalang personalidad na sina Alessandra de Rossi at ang nakatatanda nitong kapatid na si Assunta de Rossi. Sila ay kilalang mga personalidad sa industriya ng show business. Kilala sila sa larangan ng pag-arte at talaga namang mga batikan at mahuhusay silang aktres.


Hindi maitatanggi na ang magkapatid na ito ay isa lamang sa mga kilalang magkakapatid sa show business na talagang sobrang malapit sa isa’t-isa. Madalas nga ring napapansin ang mga post ni Alex sa kaniyang social media account kung saan makikita mo ang pagiging malapit niya sa kaniyang ate Assunta.


Minsan nga ay nagpost din siya ng kaniyang larawan habang nasa bahay ng kaniyang ate ay nilagyan pa niya ito ng caption na nangangahulugan na ang bahay ng iyong nakatatandang kapatid ay ang iyong ikalawang tahanan, sinamahan niya ito ng kaniyang larawan habang nakahiga sa napakaganda at napaka-elegante na sala ng tahanan ng mag-asawang Assunta at Jules Ledesma. Ang nasabing post ay umani ng samu’t-saring mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko.




error: Content is protected !!