Mga taong may mga kaibigan na “obese” ay mayroong mas malaking pagkakataon ng pagiging mataba rin ayon sa isang pag-aaral!



Ang masyadong katabaan o “obesity” ay nararanasan ng marami sa atin dahil sa hindi tama at hindi masusustansiyang pagkain, hindi regular na ehersisyo, namamana o di kaya naman ay dahil sa nakaugalian na pamumuhay o kapaligiran ng isang pamilya. Sa ganitong uri ng mga kondisyon ay talaga namang magkakaroon ito ng negatibong epekto sa ating kalusugan at pangangatawan at maaari din maging sanhi ng ilang mga problema sa kalusugan.


Ngunit kahit pa napakarami nang paraan upang makapagbawas tayo ng timbang ngunit sadyang marami pa rin talaga ang hirap sa pagbabawas ng kanilang mga timbang. Sa kasalukuyan, ang pagiging obese o labis na katabaan ay kinonsidera na bilang isang problemang pangkalusugan na tila naging epidemya na sa buong mundo kung kaya naman marami na ding mga pag-aaral ang ginagawa upang kahit papaano ay magawan ng solusyon ang nasabing problema.




Ngunit alam nyo ba na ayon sa isang pag-aaral na ang mga tao sa iyong kapaligiran o ang iyong mga kaibigan mismo ay isa sa mga nagiging dahilan ng paglobo ng iyong timbang? Ayon sa isan pag-aaral na isinagawa ng University of Southern California (USC) na bukod sa “genetics” o “shared environment” mayroon ding tinatawag na “social contagion” na nagiging dahilan din ng paglobo ng bilang ng mga obese o matatabang tao.


Ang “socia contagion” sa mga obese ay nangangahulugan lamang na kung mas marami tao na matataba o labis sa timbang ang nakapaligid sa iyo, mayroong malaking tyansa na lumobo rin ang iyong timbang kagaya nila. Mayroon talagang tyansa na karamihan sa mga nakakasalamuha nating mga tao ay magagaya natin ang mga nakaugalian nila na hindi magandang “lifestyle” o maging ang kanilang mga “eating habits” nang hindi natin namamalayan.



Dapat din naman nating pakatandaan na hindi natin dapat ibato ang sisi sa mga taong nakapaligid sa atin kung bakit tayo mataba o labis ang ating timbang, bagkus ay dapat tayong maging mapagmatyag at mag-obserba sa mga bagay bagay sa ating paligid at sa mga maaaring maging dahilan ng labis nating timbang.




error: Content is protected !!