Michael V. nagbahagi ng kaniyang sikreto sa masaya at pangmatagalan na pagsasama bilang mag-asawa!



Sadyang hindi madali ang mga hamon at pagsubok ng buhay may-asawa. Bagamat marami ang mga hirap na maaari mong maranasan sa panibagong yugto na ito ng iyong buhay ay talaga namang marami pa rin ang makapagsasabi na ito ay isang napagandang biyaya at pagpapala mula sa Panginoon.


Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng sikat na komedyante na si Michael V. ang sikreto nila ng kaniyang misis na si Carol sa kanilang masayang pagsasama. Sila ay nagdiriwang ngayon ng ika-25 taon ng kanilang kasal at ayon nga sa beteranong komedyante ay dalawang bagay lamang ang nakapagpatatag sa kanilang pagsasamahan at ito ay ang pag-ibig at pagiging tapat.




Dagdag pa niya, nararapat lamang na magkaroon ng pagmamahal, respeto, at pagtitiwala sa bawat miyembro ng pamilya upang magkaroon ng maayos at masayang pamilya. Ang pagkakaroon ng masayang pagsasama ay talaga namang mahalaga hindi lamang sa mag-asawa kundi sa isang buong pamilya. Hindi rin kailangan ang maraming mga materyal na bagay para sa maging masaya dahil hangga’t magkakasama kayo ng iyong pamilya, masaya at nagkakaintindihan ay talaga namang magiging maayos ang inyong samahan.


Ang kaniyang misis na si Carol ay ang kaniya ring manager sa show business kung kaya naman laking pasasalamat niya rin dahil sa mahusay nitong pag-aayos ng kaniyang oras at nabibigyan pa niya ang sarili na paglaanan ng panahon at talento ang mga bagay na kaniyang hilig tulad na lamang ng “Family History”.



Hindi lamang direktor si Bitoy ng kaniyang nalalapit na pelikula, dahil siya rin ang writer at producer nito. Ibinunyag pa ni Bitoy na apat na beses na silang nagpakasal ng kaniyang misis sa 25 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Tunay ngang nakakatuwang malaman na sa maraming mga tao na nakaranas ng hindi maganda patungkol sa kani-kanilang mga relasyon o pagsasama bilang mag-asawa ay mayroon pa ring mga tao na pinalad na makatagpo ng kanilang mga kabiyak na talaga namang maituturing na biyaya mula sa Maykapal.




error: Content is protected !!