Ang susi sa malusog na buhay ng isang centenarian mula sa mountain province ay kamote, saging, at kalabasa!



Sadyang marami na sa atin ngayon ang nahuhumaling at nahihilig sa mga pagkain mula sa mga kilalang fast-food chain na hindi na kailangang lutuin pa sa bahay o yaon mga pagkain na instant kung tawagin ng marami. Marami din sa atin ang tila nakakaligtaan na pangalagaan ang ating sariling katawan at kalusugan marahil ay dahil sa labis na kaabalahan sa kanilang mga trabaho at ibang libangan. Kamakailan lamang ay hinangaan ng marami ang isang centenarian na ito mula sa mountain province na nakilala bilang si Lolo Herbert Malecdan Todyong mula sa Bontoc, Mountain Province.



Ayon sa talaan ng World Health Organization noong 2016, ang life expectancy na lamang ng mga tao ngayon mula ng kanilang pagsilang ay 72 taong gulang kung kaya naman ang mga tao na nakakaabot sa edad na 100 taon at higit pa ay talaga namang hinahangaan at nagiging isang napakalaking inspirasyon sa marami.


Ang tawag sa mga tao na umaabot sa edad na 100 taon at higit pa ay “centenarian”. Sa ating bansa, mayroong nakakakuha na mga benepisyo sa ilalim ng Centenarians Act of 2016 para sa mga Pilipino na umaabot sa ganitong edad. Ayon na rin sa Municipality of Bontoc Facebook Page si Lolo Herbert ay ipinanganak noong Marso 10, 1918 sa kanilang lalawigan. Ang kaniyang sikreto sa kaniyang pagiging malusog ay dulot ng pagkain niya ng mga kamote, mga saging, mga kalabasa at iba pang pananim sa kanilang bakuran.


Hindi na nakapagtataka na narating ni Lolo Herbert ang kaniyang edad ngayon na 101 taong gulang. Pagtatanim din kasi ng mga prutas ay gulay ang kanilang ikinabubuhay sa mountain province. Buong pagmamalaki pa ni Lolo Herbert na hindi pa siya naoospital, nakakalakad pa siya ng mag-isa, at mayroon pang malinaw na paningin. May isang anak na lalaki si lolo Herbert kung saan siya nagkaroon ng apat na mga apo. Mayroon natin siyang 23 na mga apo sa tuhod, at 8 mga apo sa talampakan. Mayroon din siyang inampon na babae na kasalukuyang naninirahan na sa Baguio City.



Sa edad niya ngayon ay hindi natatakot mamuhay nang mag-isa si Lolo Herbert. Sa katunayan nga ay naninirahan ito nang mag-isa sa kaniyang bahay kahit hinihikayat siya ng mga kaanak nito na manirahan sa kanila. Sa kabila nito ay hindi pa rin siya nakakalimutan na bisitahin ng kaniyang mga mahal sa buhay.




error: Content is protected !!