Mga naka-sulat sa mga Folder na panakip sa exam ng mga estudyante, kakaiba at kinaaliwan ng publiko



oras sa pag-aaral. Ito ay para makapasa o magkaroon ng magandang grado sa paaralan. Nagsisikap ang mga estudyante mag-aral upang masuklian ang sakripisyong ibinibigay ng mga magulang. Higit sa lahat, nagsisikap ang mga estudyante upang makamit ang kanilang mga pangarap.


Pero may mga ibang estudyante na sadyang may katamaran sa pag-aaral. Ninanais ng iba na magliwaliw at magsaya imbis na tutukan ang pagaaral. Kaya pag sumapit na ang mga pagsusulit, mababa ang mga nakukuha nilang mga grado.




May ilan din sa mga estudyante na sobrang maabilidad at nakukuhang makapasa sa pagsusulit sa pamamagitan ng pandaraya. Ang iba ay umaasa sa kodiko at ang iba naman ay nangongopya. Upang maiwasan ang kopyahan sa mga pagsusulit, kanya-kanyang pakulo ang ginagawa ng guro upang mapigilan ang ganitong gawain. Ang ilang mga guro ay inaatasan ang mga estudyante na harangan ang kanilang test papers sa pamamagitan ng folder.


Marami ang naaliw sa ibinahagi na litrato ng mga mag-aaral na ito. Dahil ang kanilang mga pangharang na folders ay may mga naka-sulat na mga ‘hugot lines’ o mga nakaka-aliw basahin na mga salita patungkol sa pagbawal sa pangongopya.





Sa isang Facebook page na ang pangalan ay AssKar 2.0, ibinahagi nila ang mga nakaka-aliw na mga larawan patungkol sa mga folders na may mga hugot-lines.



Ito ang ilan sa mga naka-sulat sa mga folders:
“PAG TUMINGIN KA, Bagsak Tayong DALAWA”, “MUKHA BA AKONG SAGOT”, “Pareho lang kayo ng Ex ko. Nandito na nga ako, lumilingon pa sa iba. Ikaw ba si Gemma? Gemmakuntento!! “Cheating is a SIN, if you Cheat, your grade is also a sin. 5sinco”



Mayroon ding naka-sulat na “REQUIREMENTS PARA MAKA-KOPYA NG SAGOT” na tila ba ang mga requirements na naka-sulat ay parang nag-aapply ng trabaho. Nakaka-aliw basahin ang mga naka-sulat sa mga folder na pantakip. Pero ito rin ay paalala sa mga estudyante na huwag sanaying mangopya. Magsumikap mag-aral dahil balang araw ang edukasyon ang magiging sandata sa pagunlad ng buhay.






error: Content is protected !!