Pagmamalabis sa paghingi ng tulong kay Raffy Tulfo ng anak ng dati nilang kasambahay, tinuligsa ng publiko!



Si Raffy Tulfo ang isa sa mga kilalang personalidad ngayon na nilalapitan ng tao. Isa siyang broadcast journalist na tumututok sa mga usapin patungkol sa gobyerno at mga pribadong sektor. Kilala din siya sa mga tawag na “Idol Raffy”, “Tol Raffy”, “Action Man”. Marami ng tao ang natulungan ni Raffy Tulfo hindi lamang mga Pinoy pati mga taga-ibang bansa na pumpasyal sa Pinas.

Pero laking inis ang naramdaman ng maraming netizens ng may humingi ng tulong sa kanya pero namamantala pa! Ito ay si Jolly na anak ng kanyang dating yaya na si Nanay Rosa.

Humingi sila ng tulong kay Raffy Tulfo dahil sa nararamdamang sakit ni Nanay Rosa at sa hirap ng buhay. Bilang tulong sa dating nag-alaga kay Raffy, binibigyan ni Raffy Tulfo ng ₱5,000 kada buwan si Nanay Rosa upang makabayad sa tinitirahang apartment at panggastos. Pero muling humihirit pa si Jolly na dagdagan dahil sa gamot at iba pa.




Ang labis na ikinabigla ng mga netizens ay ang labis pananamantala niya sa paghiling pa ng alahas at kailangan daw ay tunay dahil may allergy daw ang kanyang ina sa peke. Tinawanan man ni Raffy pero batid niya kung anong klaseng pananamantala ito. Bukod pa rito ay nagbanggit pa si Jolly na paano daw kapag wala na ang kanyang ina, kung patuloy pa rin daw ba ang sustento ni Raffy sa kanila.

Upang malaman ang mga saloobin ng mga netizens, ito ang ilan sa mga naging komento nila:
“Seiko pa gusto niang relo. Ang tanda niyo na Jolly, matutong kumayod. Sana hindi ka nag anak ng 8 kung wala naman pla kayong maayos n buhay n mabibigay kagigil ka ate!!!!” , “He is very generous but this woman is taking advantage of Mr. Raffy.” , “Nakakapanindig balahibo yung kakapalan ng mukha ng anak ni nanay Rosa. Hoy! Laki ng katawan mo, mag trabaho ka. Abusada ka!”

“Di porket mabait yung tao, aabusuhin nyo. Manggagamit ka! Ang kapal ng mukha mo…” , “grabe super kapal ng mukha mu ateng d ko kinaya.. binigay na ung kaliwa gusto mu pa pati kanan.. sarap sampalin” , “ate hinay hinay lang sa paghihingi kay raffy jusko ginagawa mo na syang sugar daddy sa kakarequest mo eh” , “Jusme… Pano daw pagnawala na nanay nya if tuloy pa din daw ba pag papadala.. Ateng???




error: Content is protected !!