Tinanggigan ang alok na ₱650K na pera bilang pamana, isang pinay ang walang nakuha sa yumaong asawang British sa paghahangad pa ng mas malaki!

Isang Pinay na may edad ng 52 ang nakapangasawa ng isang British. Dahil yumao na ang asawang British, tinanggihan niya ang alok ng mga anak ng British na £10k ( ₱650K) at may kasama pang plane ticket pabalik sa Pilipinas.


Taong 2003 ng pakasalan ni Rosita ang isang British na si Michael Hendry. Sila ay nanirahan sa East Molesy, Surrey, England kung saan ay nagmamayari si Michael ng mamahaling bahay sa halagang £220,000 (₱14.1M).

Pero paglipas ng taon, ang kanilang pagsasama ay tumabang. Naniniwala si Michael na may lalaki si Rosita at sa kabilang banda ay sinasabi naman ni Rosita na madalas uminom ito at nagiging dahilan sa pagiging magaspang sa kanya. Ito ang naging dahilan upang mag file si Rosita ng divorce kay Michael.

Kaso ang kanilang divorce ay nasa proseso pa noong binawian ng buhay si Michael noong 2017. Ikinagulat ni Rosita na sa Will and Testament ni Michael ay wala siyang makukuha kahit isang kusing. Lahat ng yaman ni Michael ay mapupunta sa kanyang dalawang anak.

Pero naging mabait pa ang mga anak ni Michael at nag-alok kay Rosita ng £10,000 (₱642K) at plane ticket pabalik ng Pinas. Pero mas ginusto pa ni Rosita na ilaban sa korte upang mas makakuha ng malaki.


Hindi pa natapos ang pagiging mabait ng mga anak ni Michael, handa silang hatiin sa tatlong bahagi upang mabigyan si Rosita ng isang parte. Pero minabuti pa rin ni Rosita na ipasa-korte ang desisyon sa paniniwala na dapat ay kalahati ay kanya.

Kung sana ay pumayag na siya sa mga alok na anak, hindi sana siya luhaan. Siya ay natalo sa korte at wala siyang matatanggap na kahit ano sa mga naiwan ng kanyang dating asawa. Walang nakuhang pera at hindi rin makabalik sa bansa, kung sana ay nakuntento na sa kabaitan ng mga anak ng dating asawa. Kung tutuusin ay hindi dapat talaga siya kailangan bigyan dahil iyon ang naka-saad sa huling habilin ni Michael Hendry.



error: Content is protected !!