Hinangaan ng marami ang estudyante na ito na pinagsasabay ang kaniyang trabaho sa gabi at kaniyang pag-aaral sa umaga!



Ang edukasyon ay ilan lamang sa mga bagay na pinahahalagahan nating mga Pilipino. Para sa marami sa atin, ang pagtatapos ng kolehiyo o ang pagkakaroon ng diploma ay napakalaking hakbang na upang makahanap ng maganda at desenteng trabaho upang maiahon ang ating pamilya sa kahirapan.


Sa Pilipinas, nakakalungkot isipin na ang edukasyon ay isang pribilehiyo. Kung ang edukasyon ay karapatan ng bawat kabataang Pilipino, marami din namang mga magulang ang walang kakayanan na mapagtapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak dahil na rin sa kahirapan. Ang iba nga ay hindi din maipasok sa hayskul ang kanilang mga anak kahit pa marami nang pampublikong paaralan sa ating bansa ngayon dahil na rin sa wala silang kakayanan na suportahan ito lalo na sa pinansyal na pangangailangan.



Sa kabila nito ay mayroon pa ring mga kabataang Pilipino na hindi alintana ang hirap ng buhay, at pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit pa nga nangangahulugan ito na mas magsasakripisyo sila dahil sa paglalaanan talaga nila ng oras at panahon ang pagtatrabaho. Madalas din silang mapapagod at magkukulang sa tulog. Lalo na kung pang-umaga ang kanilang klase at panggabi naman ang kanilang trabaho.


Isang Twitter user na nakilala sa pagkakakilanlan na @iskolarium ay nagbahagi ng larawan ng mag-aaral na ito na pinagsasabay ang pag-aarala at pagtatrabaho sa isang outlet ng Burger Machine. Ayon na rin sa orihinal na nagbahagi ng mga larawan ng estudyante na madalas na tumatambay sa nasabing lugar na ang dalaga ay regular na bantay ng Burger Machine na ito kapag gabi ngunit nito lamang nila nalaman na nag-aaral pala siya at isa siyang estudyante.


Minsan pa nga ay nakikita nilang nagpapahinga at dumudukdok ng dalaga marahil ay dahil na rin sa pagod at puyat na kaniyang dinaranas. Napag-alaman din niya na galing sa isang broken family ang masipag na estudyante. Kumikita siya ng P435 kada araw na pinangtutustos niya sa kaniyang pag-aaral at pangtulong na rin sa kaniyang pamilya.






error: Content is protected !!