Isang 14 na taong gulang na bata ang nagbalik ng P150,000 na nakita nito sa palikuran ng isang paliparan!



Isang 14 na taong gulang ang umani ng maraming papuri at positibong komento mula sa publiko dahil sa pagsasauli ng P150,000 na salapi sa isang palikuran sa isang airport. Siya ay nakilala bilang si LJ Alejandro, siya ay isang masipag na bata na tumutulong sa kaniyang mga magulang na magbenta ng tubig sa loob ng Kalibo Airport sa Kalibo Aklan o mas kilala din naman bilang gateway patungo sa Isla ng Boracay. Gumagamit siya ng banyo nang makita niya ang malaking halaga ng salapi na ito na nakalagay pa sa isang itim na lalagyan.


Dahil sa siya lamang ang nasa loob ng nasabing palikuran, agad niyang sinabi ito sa kaniyang ina sa kanilang tindahan. Ang kaniyang ina naman ay agad itong dinala sa Kalibo Airport Police Station upang ireport ang nangyari.



Ayon sa mga otoridad, hindi nagdalawang-isip ang mag-ina na isauli ang pera na kanilang natagpuan. Saad pa nila, hindi naman nila pinaghirapan ito at tiyak na mayroong taong naghahanap ng pera na kaniyang naiwan. Natagpuan ng mga pulis ang ID ng may-ari at isang Tsino pala ang nagmamay-ari nito na nakilala bilang si Yihe Hong.

Agad namang dumulog sa kinauukulan si Hong ng malaman na nawawala ang kaniyang pera. Kung kaya naman laking gulat niya rin ng malaman na isang bata pala ang nakapulot at nakapagsauli ng kaniyang pera. Nabanggit din naman niya na binigyan niya ng pabuya ang bata na hindi na niya sinabi pa kung magkano.



Talaga nga namang kahit gaano pa kahirap ang iyong buhay, kung ikaw ay mayroong malasakit at pagmamahal sa iyong kapwa tiyak na hindi mo nanaisin na mawalan ito. Bilang isang mabuting tao na mayroong malasakit at pagmamahal sa iyong kapwa tiyak na gagawa at gagawa ka din ng paraan upang maibalik ang napulot mong bagay sa nararapat na indibidwal ang anumang kagamitan o pag-aari niya na nawala.




error: Content is protected !!