Mapagmahal na ama, binubuhat ang lumpong anak papasok at pauwi sa eskwelahan



Para sa mga mahihirap na pamilya, wala ng nais pang hiling ang mga magulang na makatapos ng pagaaral ang kanilang mga anak. Lahat ay kayang ialay ng magulang upang matupad ang ganitong pangarap sa kanilang anak. Kahit mapagod maghapon sa trabaho ay kayang gawin ng magulang kung ito ang paraan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak.


Hindi biro ang magpaaral ng bata para sa mga mahihirap na magulang. Kahit na ang ibang public school ay libre lamang, may mga kinakailangan pa rin ng pera katulad ng mga kagamitan sa eskwelahan, pambaon na pagkain, kasuotan, at mga gastusin sa proyekto sa pagaaral.



Kaya kabibiliban ninyo ay ang ama na ito na matinding sakripisyo ang ginagawa niya para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak. Dahil simula pa lamang ng elementarya ang kanyang lumpong anak binubuhat niya ito sa likod papuntang eskwelahan hanggang ngayon na highschool na.

Isang netizen na nagngangalang Joshua Lisaba ang nagbahagi ng larawan patungkol sa ama na nagbubuhat ng anak niyang putol ang mga paa. Sa larawan ay makikita kung paano niya pasanin ang anak at maaantig ang puso dahil sa pagpapakita ng determinasyon nilang magama.


Ngayong highschool na ang anak, patuloy pa ring binubuhat ng kanyang ama sa paghatid at pagsundo. Ang anak ay nagaaral sa Sto. Cristo National High School sa San Jose Del Monte City Bulacan. Kahit anong klaseng panahon pa ang mayroon, kahit umuulan o tirik ang araw, basta may pasok, ihahatid ito ng kanyang ama.

Ang post na ito ay nag-viral at inulan ng maraming reaksyon at komento. Marami ang naawa sa kalagayan nilang dalawa at naawa din sa hirap na ginagawa ng ama. Hindi biro ang ginagawa niya dahil mabigat na ang kanyang pinapasan. Dahil sa hirap ng buhay, hindi nila kayang bumili ng wheel chair. Kung sana ay mayroon silang wheelchair, hindi sana sobrang hirap ang ama at mas komportableng maihahatid ang anak sa eskwelahan.


Sana lamang ay mayroon mag magandang loob na tumulong o magbigay ng donasyon upang magkaroon ng wheelchair ang kawawang estudyante at para hindi na mahirapan ang kanyang ama.






error: Content is protected !!