Sinagot ni Erich Gonzales ang mga katanungan ng kanyang mga fans patungkol sa kanyang lovelife, pinili niyang ilihim muna ito



Kilalang artista si Erich Gonzales. Maraming humahanga sa kanyang galing sa pagiging artista at sa kanyang kagandahan. Katulad ng ibang mga artista, sinusubaybayan ng mga fans ang mga kaganapan sa kanilang buhay. Karaniwan sa mga inaabangan ay ang kanilang mga lovelife.



Mayroong ibinahaging vlog ang magandang aktres patungkol sa mga katanungan sa kanya ng mga fans niya sa Instagram. Ilan dito ay mga katanungan patungkol sa kanyang sarili, mga hilig, mga ginagawa, at marami pang iba.


Sa umpisa ng Vlog, na ibinahagi niya sa kanyang Youtube Channel, ay ipinakita niya ang kanyang bahay at ang ‘lanai’ kung saan niya isinagawa ang vlog. Ang sabi ni Erich, sa lanai siya nagbabasa ng libro, nagmumuni-muni, at nagrerelaks.


Sa mga pangumpisang katanungan, ibinahagi ni Erich ang kanyang mga hilig. Katulad ng mga paboritong kulay na white, green, blue, black, red, beige. Sinabi niya rin ang hilig niyang mga lutong pinoy na Adobo, Sinigang, at Nilagang Baka. Tinanong din ng mga fans ang paborito niyang mga KPOP at mga KDrama. Sinagot naman lahat ito ni Erich. Mapapansin din ang pagiging maka-Diyos ni Erich dahil sa mga plano niya laging naka-akibat ang pangalan ng Diyos. Ibinahagi din niya ang kanyang wallpaper at screensaver na patungkol din sa Diyos.



Sa bandang huli ng kanyang Vlog, sinagot niya ang katanungan patungkol sa kanyang lovelife at inilihim niya muna ito.


Ayon kay Erich:
“I want to protect something so precious to me, something beautiful. I don’t want to ruin it so sa akin na lang iyon.”, “I think it’s for the best.”. Ibinahagi niya rin na gusto niya din magkaroon ng pamilya at magkaroon ng dalawang anak. Pero kung ilan ang ipagkakaloob sa kanya, malugod niyang tatanggapin ito kung ito daw ang kalooban ng Diyos.

Idinagdag pa ni Erich:
“Bahala na si Lord kung ilan ang gusto niyang ibiyaya sa akin.






error: Content is protected !!