Ipinasilip ng “Kadenang Ginto” star na si Dimples Romana ang biniling building sa social media!



Isa na yata sa pinakamatunog na pangalan ngayon sa industriya ng show business ay ang aktres na si Dimples Romana. Siya ay kilala rin ng marami sa tunay niyang pangalan na, Dianne Marie Romana Ahmee. Siya ay 34 na taong gulang na aktres at modelo.



Siya ay nagtapos ng kursong International Hospitality Management Major in Culinary Arts sa Enderun College. Matapos nito ay napanuod siya sa una niyqng television appearance sa Esperanza noong 1997; mula noon ay naging isa na siya sa mga talento ng programa sa ABS-CBN na pinamagatang “Tabing Ilog” noong 1999. Noong kumukuha siya ng kursong BS Tourism sa University of Santo Tomas (UST) College of Education, siya ang naging courtside reporter sa mga laro ng UST Growling Tigers noong 2002 sa ABS-CBN’s coverage ng UAAP men’s basketball tournament.


Taong 2005 naman nang naging cast siya ng “Ang Panday” ng ABS-CBN. Taong 2009 nang nakasama siya sa television series na “Only You”. Samantalang taong 2005 ng siya ay nagtungo sa Dubai. Nang sumunod na taon ay naging parte siya ng “Pacquiao: The Movie” at ng horror film na “Wag Kang Lilingon”. Naging parte din siya ng “One More Chance”, taong 2007, ang pelikula nilang ito ay tumabo ng higit sa 150 milyong piso sa takilya. Taong 2008, ng maging parte siya ng pelikula ng Star Cinema na “When Love Begins” at “Love Me Again”.


Siya naman si Criselda Barrameda ng Agua Bendita taong 2010. Sa katapusan naman ng taong 2010-2011, siya ay gumanap bilang Alvira Del Valle sa Mara Clara. Marami naman ang natuwa at humanga sa panibagong tagumpay ni Dimples Romana matapos nitong ipasilip ang nabiling building sa social media. Sa ngayon ay malapit na ngang matapos ang ipinapagawa nilang gusali ng kaniyang mister. Nabili nila ang nasabing property noong nakaraang taon lamang.


At mayroon pa ngang napakagandang mensahe ang mahusay na aktres sa kaniyang mga followers. Ayon sa aktres, malapit nang matapos ang nasabing gusali ngunit hindi pa sila sigurado kung ito ba ay gagamitin nila, ibebenta o pauupahan.




Dagdag pa niya na kung mayroon man tayong mga pangarap sa buhay na akala natin ay hindi na natin maisasakatuparan pa, huwag tayong mawawalan ng pag-asa at darating din ang panahon at ibibiyaya ito ng Panginoon lalo na kung kayo ay pursigido sa buhay at mayroong matatag na pananampalataya.




error: Content is protected !!