Isang paaralan sa bansang Espanya tinuturuan ang mga estudyante lalaki na gumawa ng mga gawaing bahay upang matigil na ang “gender inequality” sa kanilang bansa!



Marami sa atin ngayon ang naniniwala na ang mga gawaing bahay ay para lamang sa mga kababaihan. Kahit pa nga mayroong nang kani-kaniyang trabaho ang mag-asawa ay ang babae pa rin ang siyang gumagawa ng mga gawaing bahay matapos ang trabaho niya ay aasikasuhin naman niya ang kaniyang pamilya at ang kanilang tahanan samantalang ang mister naman ay namamahinga at nagrerelaks sa sala at nanunuod ng paborito nitong laro o palabas.


Ang mga kababaihan ay inaasahang magluto, maghugas ng mga pinagkainang plato, baso, kubyertos, maglinis ng bahay, maglaba, mag-alaga ng mga anak at marami pang iba kahit pa nagsusumikap din siya para sa kanilang pamilya at nagpapakapagod sa kaniyang trabaho. Kahit pa mayroong mga libreng oras ang maraming mga kalalakihan ay mas pinipili nila na hindi kumilos sa bahay at hindi tumulong sa mga gawaing bahay.




Kung kaya naman isang paaralan sa Espanya ang naglalayon na matigil na ang “gender inequality” na ito, sila ngayon ang nagtuturo sa mga mag-aaral nilang lalaki na gumawa rin ng mga gawaing bahay. Ito ay isang napakalaking hakbang at pasimula para sa pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan sa kanilang bayan.


Ang Colegio Montecastelo sa Espanya ay naging usap-usapan sa social media dahil sa pagtuturo nito ng “home economics” para sa mga kabataang lalaki na naglalayong turuan sila ng pagluluto, pananahi, pamamalantsa, at paglilinis ng bahay. Mayroon din itong mga aktibidad patungkol sa pagkukumpuni ng mga gamit sa bahay, pagtutubero, pagkakantero o “masonry”, at pag-aayos ng kuryente.


Ang mas nakakatuwa at nakakamangha pa rito ay maging ang mga haligi ng tahanan o ang mga tatay ng mga mag-aaral ay kasama din sa aktibidad na ito upang matuto rin sila sa mga simpleng gawaing bahay. Gaya ng inaasahan ng mga tagapamahala ng paaralan, malugod naman itong tinanggap ng mga mag-aaral na lalaki at talaga namang naging mahusay sila sa mga ganitong gawain.




Maraming mga lalaking estudyante at kanilang mga ama ang nasiyahan din at namulat na ang pamamalantsa at pagluluto ay hindi madali ngunit makakaya naman kung paglalaanan ng panahon at pag-aaralan.






error: Content is protected !!