Labis na ikinatutuwa ng Madlang Pipol ang loveteam na “ViceIon”



Para sa mga Kapamilya, tunay na hindi kumpleto ang araw kapag hindi nakapanuod ng paboritong palabas tuwing tanghalian ang ‘It’s Showtime’.  Ang noontime show na ito ay kinagiliwan ng maraming tao dahil na rin sa kagalingan ng mga host nito na pinangungunahan ni Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, at marami pang iba.



Isa din sa dahilan kung bakit sinusubaybayan ito ng mga madlang pipol ay ang hatid na pagpapasaya dahil sa mga pagpapatawa ng mga magagaling na mga host. Isa pa sa inaabangan ng mga madlang pipol ay ang pinag-uusapan na tamabalang Vice Ganda at Ion Perez. Napabalitaan na may namamagitan sa dalawa pero hindi pa ito kinukumpirma ng magkabilang panig. Kahit na hindi pinatotohanan, makikita sa dalawa ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

 

View this post on Instagram

 

Everyday ka pala andun?? @pereziion27 Ccto

A post shared by ViceIon Viceral-Perez (@viceion1125) on


Kinilig din ang madlang pipol sa ibinahagi ni Vice Ganda patungkol kay Ion Perez sa isang interview sa Youtube Channel ni Melba Llanera. Ang sinabi ni Vice Ganda rin ay ikinalat ng mga fans nila sa Instagram.


Ayon kay Vice Ganda:
“Masaya, nakakatuwa, kasi kahit matatanda, tuwang-tuwa kay Ion, tuwang-tuwa sa harutan namin ni Ion.”



Sa pagkatuwa ng mga fans, umani ito ng maraming komento. Ito ang ilan sa mga komento ng mga fans nila:
“Dapat lang naman kasi na tanggapin ng madlang people kung ano ang sa kanila ni Ion kasi nakikita naman ng madlang people na masaya si Meme dahil kay Ion. Mabait rin kasi si Ion kaya walang duda kung bakit nahulog talaga si Meme sa kanya.”

“Everyday ka pala andun @pereziion27”, “Tama kahit kaming matatanda natutuwa kay Ion. Mabait kasing bata” Ang loveteam nilang dalawa ay kinagigiliwan ng maraming tao at inaabangan ang katotohanan sa namamagitan sa kanilang dalawa. Hangad ng mga fans ni Vice Ganda ang kasiyahan niya. Napabalitaan din ang pagbantay ni Ion Perez kay Vice Ganda sa ospital noong nagkasakit siya.






error: Content is protected !!