Larawan ni Rochelle Pangilinan, balik alindog at handang-handa sa pagsabak muli sa showbiz



Nakaraang Pebrero 24 ngayong taon ay nanganak si Rochelle Pangilinan sa kanyang unang anak na babae. Ito ay ikinatuwa ng maraming fans niya at higit sa lahat ng kanyang asawa na si Arthur Solinap.



Si Rochelle Pangilinan ay isang aktres, singer, at dancer. Nakilala siya sa dance group na “$ex B0mb Dancers” at sa paghiyaw ng “get get aww”. Marami ang humanga sa husay niya sa pagsayaw at sa kanyang kagandahan. Nabighani din ang maraming tao sa magandang hugis ng kanyang katawan. Ang grupong $ex B0mb Dancers ay sumikat sa noontime show sa GMA na Eat Bulaga. Kahit buwag na ang grupong ito ngayon, ang ilan sa mga miyembro ay naging artista na rin.




Sa pagiging talentado ni Rochelle sa pagsayaw at pag-arte, dumami ang kanyang mga taga-hanga. Kaya ang ibang fans ay sinusubaybayan ang kanyang mga social media accounts. Ilan sa mga larawan na ibinahagi ni Rochelle ay sobrang ikinabigla ng netizens dahil sa kanyang napaka-gandang hugis ng katawan.




Kung titignan ay para siyang hindi nanganak. Ang mga larawang ito ay nakita sa Instagram Account ni Rochelle Pangilinan. Sa larawan ay nakasuot siya ng Red Dress at magpapakita ng kanyang balik alindog.





Ito ang caption ng kanyang post:
“Let’s go! I am ready!”

Mayroon ding close-up na litrato na may caption na:

“Handa na ko, kayo ba,”



Maraming netizens ang natuwa at nagkomento sa naturang post ni Rochelle Pangilinan. Ito ang ilan sa mga komento:
“Hala!!! Ang ganda po”, “Balik alindog na si momshie.”, “the queen is back – sasayaw na yan!”, ” my idol be like walang kupas..”, “Nung nabasa ko handa na ba kayo nasa isip ko get get aww!!”, “Yan ba ang nanganak idol @rochellepangilinan walang nag bago.iloveyou ka talaga godbless po lagi”, “Pano yung ganyan ate? Hehe”


Sa pangatlong larawan naman, ay ipinakita din ang buong katawan at talagang mabibighani ang makaka-kita. Ito ang caption ng post:
“Rochelle… version 2.0”

 

View this post on Instagram

 

Cardio day! ? Thank you sa ? @vyn_enriquez

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Nakaka-bilib ang ginawang paraan ni Rochelle sa pagpapanatili ng kanyang katawan. Hindi biro ang manganak, kasama na dito ang maaring maging pagbabago ng katawan. Ang ibang nanganganak ay tumataba pero para kay Rochelle, pinakita niyang kayang ibalik ang dati niyang kagandahan.




error: Content is protected !!