Napag-uusapang bagong boyfriend daw ni Angelica Panganiban, kinilig ang publiko dahil sa kagwapuhan nito



Simula pa lamang ng bata pa si Angelica Panganiban ay hinangaan na siya sa kanyang galing sa pagiging artista. Taglay ang maamong mukha at pagiging mestiza, marami ring kalalakihan ang nahumaling sa kanya.


Bagamat marami siyang naka-relasyon o naging-kasintahan, wala sa isa sa kanila ang nakatuluyan niya. Ilan sa mga kilalang tao na naka-relasyon niya ay sina Carlo Aquino (2000-2005), J. B. Magsaysay (2005), Derek Damsay (2006-2012), at John Lloyd Cruz (2012-2016). Pero napabalitaang muling nagbabalik sa kanyang piling si Carlo Aquino ngunit hindi na ata muling umubra kahit na nagkaroon ulit sila ng pelikulang dalawa na “Exes Baggage”.




Pero mas ikinagulat ng netizens ay ang isang post sa Instagram patungkol sa bagong nobyo ni Angelica Panganiban. Itong post na ito ay ibinahagi sa username na luck_inthev. Sa Instagram Story na ito ay ikinabigla ng maraming netizens lalo na ng makita ito sa isang entertainment site na Fashion Pulis na may kasama si Angelica Panganiban na napaka-guwapong lalaki. May caption ang post na “Hugs are important” na sa litrato ay magkayakap sila.


Gayon pa man, hindi pa rin kumpirmado ang relasyon ng dalawa nila dahil sa mga social media accounts ni Angelica Panganiban ay wala namang ibinahaging mga ganitong litrato. Marahil gusto niya munang maging pribado ang lahat at upang iwas usapan patungkol sa kanila.



Ang post na ito ay ikinatuwa ng mga fans ni Angelica Panganiban. Hinihiling nila na sana ay ito na ang makatuluyan niya pagkatapos ng maraming nagdaan na mga hiwalayang relasyon. Hangad siyempre nila ang kaligyahan ng kanilang idolo.


Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
“Omg ang yummy!!! Eto ang pinaka yummy sa katawan at hitsura compared to all her exes.”



“Whatever their status is, im very happy for angelica. She deserves to be loved.i hope fans would respect their privacy this time.” , “May post yang guy na yan kuha yung view sa hotel room ni Angge, same yung view ng backgrounds kaya di pwedeng coincidence lang. LOL Fan na kasama sa room tas nakahubad si guy lol? HAHAHAHA Congrats Angge! (although, effort si bakla, siya talaga nagfly para magkasama sila lol)”