Back-ride sa motor, nagsuot ng kaldero bilang helmet! Hinuli pa rin ng traffic enforcer



“Safety First” nga naman kapag tayo ay nagmamaneho o nakasakay sa sasakyan. Katulad sa pagsakay ng kotse, kinakailangan ng pagsuot ng seatbelt at hindi paggamit ng cellphone. Katulad din sa pag sakay sa motor, kinakailangan ng wastong pananamit at helmet. Mas mabuti ng sumunod sa batas upang iwas sa kapahamakan.



Pero hindi na talaga maiwasan ng ibang drayber na sumuway sa mga batas na ito. Kaya ang ilan sa mga sumusuway dito ay napapahamak. Ang mga batas na ito ay ginawa para na rin sa ating kaligtasan. Kaya ugaliin na sumunod upang ang kapahamakan ay maiwasan.


Matindi rin ang kapahamakan sa pagsakay sa motor lalo na kung mabilis magpatakbo. Kaya dapat lamang na ugaliing magsuot ng helmet bilang proteksyon sa ulo kung sakaling sumemplang o mabangga.


Pero may kamahalan ang pagbili ng helmet. Kaya ang ibang nagmamaneho ng motor ay sumusugal kahit na alam nila ang panganib sa hindi pagsuot ng helmet. Pero mayroon isang back-rider ang napabalitaang humanap ng alternatibong paraan upang maprotektahan ang kanyang ulo sa pagsakay ng motor. Imbis na helmet ang suot ay kaldero ang ginamit niya.



Isang video ang inupload ng GMA News na nag-viral at pinaguusapan ngayon. Ito ay ang eksena kung saan nahuli ang isang motor na ang back ride ay nakasuot ang kaldero sa ulo. Ang pangyayaring ito ay naganap sa Tuguegarao, Cagayan.

Sa video ay mapapansin na tuwang-tuwa pa ang dalawa sa pagka-huli sa kanila. Pero ang enforcer ay nagmatigas sa kanyang trabaho at sinunod ang “No Helmet, No Travel”. Tinanong sila kung bakit kaldero ginamit, sinabi nilang wala silang pambili ng helmet at kaldero lamang ang maaaring gamitin. Makikita sa loob ng kaldero na may tela upang maginhawang
masuot sa ulo ang kaldero. Pinasuot ng isang enforcer ang kaldero sa lalaki at ikinatuwa pa ng nahuli at sumaludo pa sa enforcer. Sila ay nagmulta ng ₱200 sa pagsuway sa batas.



Bagamat mainam na ang ginawa niya kaysa sa walang helmet pag bumiyahe, ang batas pa rin ang mangingi-babaw. Dahil hindi ito helmet kailangan nilang mag-multa.




error: Content is protected !!