Kapamilya aktres na si Jane De Leon, ang bagong gaganap na ‘Darna’ ng Star Cinema



Si Darna ang isa sa pinaka-kilalang karakter na Superhero ng ating bansa. Kaya isang karangalan para sa isang artista ang gumanap sa role na ito. Ilan sa mga kilalang naging Darna ay sila Vilma Santos, Nanette Medved, Marian Rivera, Angel Locsin, at marami pang iba. Inaasahan sana na si Liza Soberano ang bagong gaganap sa role na ito, ngunit ito ay tinanggihan ng dalaga dahil sa mga ilang dahilan.



Kaya sa paghahanap ng bagong Darna, ilan sa mga naiisip ng ibang tao ay sina Nadine Lustre at Pia Wurtzbach. At sa wakas ay mayroon ng bagong gaganap muli ng Darna. May Facebook post ang Star Cinema sa pagbalita na magkakaroon ng pelikula ang Darna. Ito ay gaganapan ng isang miyembro ng GirlTrends dance group ng kilalang noontime show na “It’s Showtime”. Ang napiling babae ay si Jane De Leon na napili mula sa 300 na sumubok sa audition.


Ang managing direktor ng ABS-CBN films na si Olivia Lamasan ang nanguna pa mismong nagsabi na si Jane De Leon ang bagong lulunok ng bato upang maging Darna. Si Jerrold Tarog naman ang magiging direktor ng palabas na nakilala sa pagiging direktor ng pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” at “Heneral Luna”.

May angking kagandahan si Jane De Leon ay talagang bagay na bagay sa kanya ang role na Darna. Ayon pa kay Oliva Lamasan, 20 taong gulang si Jane De Leon at ang karakter niya ay magpapakita ng pagka-inosente at palaban. Idinagdag pa ni Lamasan na nakitaan niya ng angking galing si Jane De Leon at maari din itong sumali sa beauty pageant.


Isang malaking hakbang para kay Jane De Leon ang nasabing pelikula. Dito ay magkakaroon siya ng ‘break’ upang mas makilala pa siya. Wala pa mang opisyal na pahayag si Jane De Leon, pero ayon kay Lamasan ay handa ang dalagang sumabak bilang Darna upang magkaroon ng magandang pelikula ngayong taon.






error: Content is protected !!