Isang dalaga ang pinag-hinalaang kinulam pagkatapos makita ang maraming karayom sa kayawan



Marami sa atin ang hindi naniniwala sa mga kwento patungkol sa mga kababalaghan. Pero ang iba ay pinaniniwalaan ito mula sa ating mga ninuno. Gayon pa man, mas pinaniniwalaan ng marami ang mga doktor dahil mas tiwala ang tao dito. Pero paano kapag hindi kaya ng doktor ang nangyayari sa katawan? Iyong tipo bang hindi na kayang ipaliwanag ng medisina ang nangyayari sa katawan. Sino ba ang dapat lapitan?



Isang dalaga ang nakakaramdam ng pananakit ng maraming araw sa hindi malamang dahilan. Pero laking gulat na lang ng mga doktor kung ano ang naging dahilan ng kanyang labis na pananakit. Dahil sa natuklasan ng dahilan, napaghinalaan nilang ang dalaga ay nakulam.


Pingalanan na Aurora (hindi tunay na pangalan) ang babaeng sinasabing nakulam. Ikinabahala ng labis ng kanyang ina na si Maria (hindi rin niya tunay na pangalan) ang sinapit na paghihirap ng kanyang anak. Hindi rin matukoy kung paano ito nangyari at nagkaroon ng pananakit ang dalaga.


Sa pamamagitan ng ilang pagsusuri sa dalaga, napag-alaman na may mga karayom sa loob ng kanyang katawan. Nakaka-gulat at higit sa 50 na karayom ang nakita. Dahil dito ay kumunsulta sila sa isang ‘Babaylan’.



Sa takot sa pwedeng mangyari sa dalaga, isang babaylan ba may pangalang Independenciana Vergara ang nagsabing mayroong lalaki ang nagkakagusto sa kanya at hindi gusto ni Aurora ang lalaki. Ito ang naging dahilan upang kulamin ito dahil sa pagkasawi sa pagibig. Ang naging basehan ng babaylan dito ay ang litrato ng x-ray na may mukha ng isang lalaki.

Pero sa masinsinang pakikipag usap kay Aurora sa tunay na dahilan. Inamin ni Aurora na kinain niya ang mga karayom na nasa loob katawan. May sinabi din siya na may pagkakataon pang kumain siya ng tatlong karayom ng sabay. Hindi man alam ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ito, mabuti na rin at nalaman na hindi sanhi ng kulam ang nangyari sa kanya.



Source: KMJS




error: Content is protected !!