Isang kawawang aso ang nakuhanan ng larawan na tahimik na naghihintay sa tabi ng dating hospital bed ng amo naging dahilan upang siya ay maampon!



Sa maraming mga dog owner, ang mga aso ay hindi lamang basta pet, sila ay pamilya. Ngunit talaga namang nakakalungkot din isipin na walang permanente sa mundo. Kahit pa nga ang mga tao o mga hayop. Kamakailan lamang ay isang aso ang naging viral online dahil sa tahimik nitong paghihintay sa tabi ng dating hospital bed ng kaniyang amo na naging dahilan din upang siya ay maampon.



Ang nasabing aso ay nakilala bilang ang tatlong taong gulang na Labrador mix na ang pangalan ay Moose, ang nasabing aso ay kinupkop ng isang animal shelter matapos siyang matagpuan na nakatali sa isang “signage” sa tabi ng riles sa harapan ng isang animal shelter sa Georgia noong Agosto 2017. Ilang buwan din itong namalagi sa animal shelter ngunit walang nagkagusto o nagkainteres na siya ay ampunin.


Matapos nito ay nailipat pa sa isang animal shelter ang aso at doon nga ay naampon na ito. Bakas ang kaligayan sa mga mata ng aso na sa wakas ay mayroon na rin siyang maituturing na pamilya. Ngunit sa kasamaang palad, makalipas lamang ang isang taon ay dinala sa ospital ang kaniyang matandang amo. At muli na namang siyang naging ulila. Ibinahagi ng Eleventh Hour Rescue ang larawan ni Moose na tila hinihintay na muling magbalik ang kaniyang amo sa hospital bed na dati nitong hinihigaan. Marami naman ang mga netizen ang napukaw at nagnanais na ampunin na lamang ang kawawang aso. Marami nga ang nagnanais na ampunin ang kawawang aso, at sa ngayon nga ay pinoproseso na ang mga aplikasyon ng mga magiging bagong pamilya ni Moose.


Ang “animal shelter” ay isang tipikal na tahanan para sa mga “unwanted pets” mula sa mga amo na itinapon, o inabandona na lamang ang kanilang mga alagang hayop sa lansangan. Ang mga hayop na ito ay inaalagaan ng mga volunteers mula sa sarili nilang pera o di kaya naman ay mula sa donasyon ng publiko. Ang mga hayop na ito ay naghihintay ng mga bagong pamilya na mag-aalaga at magmamahal sa kanila.




error: Content is protected !!