Ito ang limang artistang mahilig kumain ng street foods



May ilang mayayaman na hindi marunong kumain ng mga pagkaing nabibili sa kalye. Katulad ng mga fish ball, kikiam, tokneneng, at marami pang iba. Ang ilan sa mga mayayaman ay nandidiri sa pagkaing ito at sa takot sa sakit na makukuha. Gayon pa man, mas marami pa rin tumatangkilik sa mga pagkaing ito. Bukod sa mura ay siguradong masarap at nakaka-busog. Kahit na sinasabing pang-masa ang mga pagkaing ito, may mga ilang mayayaman na ang nahihilig sa pagkain ng street foods. Katulad na lamang ng ilang artista na nakilala sa pagkahilig nila sa pagkain ng street foods.

1. China Cojuangco




Si China Cojuangco ay kapatid ni Mikee Cojuangco na pamangkin din ng dating presidente na si Cory Aquino. Nakilala ai China sa galing niya sa pagluluto dahil isa rin siyang Chef. Pero maraming hindi nakaka-alam na si China Cojuangco ay mahilig sa street foods.


Nagbabahagi ng mga kinakaing street foods si China Cojuangco sa kanyang Instagram account. Makikita dito ang pagkahilig niya sa tokneneng, fishball, squidballs, at iba pa. Mapapnsin din ang larawan ng pagkain niya sa kalsada at litrato sa isang pares na tindahan.

2. KC Concepcion



Anak ni Gabby Concepcion at Sharon Cuneta si KC Concenpcion. Bagamat maginhawa ang buhay, nahihilig din siya sa street foods pero hindi dito sa ating bansa kundi sa bansang Japan. Nahiligan ni KC ang pagkain ng choco banana na matatagpuan sa Osaka, Japan.

3. Anne Curtis




Si Anne Curtis ang isa sa pinaka-sikat na artista ngayon sa ating bansa. Madalas na mapapanuod si Anne Curtis sa “It’s Showtime” dahil isa siya sa mga host ng sikat na noontime show. Ibinahagi ni Anne Curtis na mahilig siyang kumain ng Taho sa programang “Magandang Buhay” .

4. Heart Evangelista


Si Heart Evangelista ang asawa ni Senador Chiz Escudero. Kilalang fashionista ang kilalang aktres. Isa sa mga nahihiligan niyang street foods ay ang Pretzel na nabibili niya sa New York pati na rin ang hotdog sandwich.

5. Gretchen Barretto




Isa sa mga Barretto Sisters ay si Gretchen Barretto na may taglay na kagandahan. Si Gretchen ang isang halimbawa ng mayaman na namumuhay ng payak. Hindi mapili sa pagkain, may mga balita pa ngang kumakain pa siya ng naka-kamay. Ilang streetfoods na naka-hiligan niya ay ang hotdog sandwich at pretzels.




error: Content is protected !!