Nakakatunaw ng puso ang sakripisyong ginagawa ng matandang si Tatay Arunting para sa kanyang dalawang may kapansanan na anak



Maswerte ang mga pamilyang nakaka-kain ng wasto bawat araw, sila ay tunay na pinagpala. Pero mas maswerte ang may magulang na ginagawa ang lahat para lamang mabigyan ng pagkain ang kanyang pamilya!



Kahit na matanda na si Tatay Arunting ng Brgy. Tiguib sa Negros Oriental, matinding sakripisyo ang ginagawa niya araw-araw para lamang mabigyan ng pagkain ang kanyang dalawang may kapansanan na anak.


Nakaka-lungkot isipin na sa katandaan ni Tatay Arunting ay solo niyang binubuhay ang kanyang mga anak dahil ang kanyang asawa ay namayapa na. Bawat araw ay naglalakad siya ng 30 minutos pababa ng bundok at para pumunta sa lugar kung saan pwede siyang manlimos ng pangkain. Sa layo ng nilalakad, mapapansin na hirap na sa paglalakad si Tatay Arunting at naka-tungkod na. Bukod pa rito, mahirap ang kalagayan dahil hindi sigurado kung may magbibigay sa kanya ng tulong.


Sa video na inupload sa Youtube ni Frances Baena, makikita ang ginagawang paglalakad ni Tatay Arunting sa napaka-batong bundok. Dala-dala ang plastik na nagmula sa panlilimos, nakita ang kalagayan ng kawawang ama. Sa pagdating nila sa bahay, nakita ang dalawang anak na may kapansanan at hindi nakakalakad.



Ang video patungkol kay Tatay Arunting ang naging dahilan upang may mga tumulong sa kalagayan nila. Pasalamat na lang at may mga mabubuting tao na nadama ang paghihirap ng nakaka-awang ama.

Malaking bagay ang nagawa sa pagbabahagi ng video. Dahil dito ay maraming donasyon ang dumating at naging dahilan upang maka-gawa ng bahay para sa pamilya ni Tatay Arunting kung saan ay hindi na niya kinakailangang maglakad ng malayo upang humingi ng tulong.



Hindi pa nagtatapos ang tulong na umambon sa kanila, patuloy pa rin ang mga donasyong dumadating at hindi lamang dito sa Pinas pati rin sa ibang bansa. Ilan sa mga tulong ay mga pagkain at mga pangangailangan sa katawan. Pasasalamat ito sa nagbahagi ng video, dahil sa kanya ay nabawasan ang hirap ni Tatay Arunting. Ayon pa sa isang panayam kay Tatay Arunting. Sinabi niya na nagagawa niya ang lahat para sa kanyang mga anak. Tatay Arunting, isa kang halimbawa ng pagiging isang dakilang ama! Mabuhay ka!




error: Content is protected !!