Tahanan ng aktres na si Beauty Gonzales na punong-puno ng mga likhang sining, labis na hinangaan ng publiko!

Si Beauty Gonzalez o kilala din bilang si Christine Marie Gonzalez-Crisologo sa tunay na buhay ay mula sa Dumaguete City sa Negros, Oriental. Siya ay ipinanganak noong ika-28 ng Mayo 1991. Siya ay isang Pilipinang aktres na nakilala sa industriya matapos siyang tanghalin na ika-apat na pwesto sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.


Matapos ang kaniyang paglabas sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008 ay napanuod na rin siya sa ilang mga programa sa telebisyon at pelikula gaya na lamang ng “Iisa Pa Lamang”, “Tayong Dalawa”, “Angelito: Batang Ama”, “Honesto”, “Moon of Desire”, “Maria Mercedes”, “Maalaala Mo Kaya”, “Ipaglaban Mo”. Naging leading lady din siya ni Zanjoe Marudo sa teleserye na “Dream Dad” noong 2014.


Taong 2015 nang namahinga ang aktres mula sa show business dahil ipinagbuntis at ipinanganak niya ang anak na si Olivia Ines sa kaniyang non-showbiz partner na isang art curator na si Norman Crisologo. Nanganak si Beauty sa panganay nila noong Pebrero 2016.

Ikinasala naman sila ng mister niyang si Norman noong Mayo 6, 2017 sa Tagaytay, City. Noong taon din na iyon ay muli siyang naitampok sa daytime soap na “Pusong Ligaw”. Sa kasalukuyan ay ginagampanan niya ang karakter ni Romina Andrada Mondragon sa hit afternoon soap na “Kadenang Ginto”.


Bilang isang maybahay ng “art curator”, na siyang abala at responsable sa maraming aspeto patungkol sa koleksyon ng museo at pagiging tagapagtago ng mahahalaga at makasaysayang mga kagamitan, hindi na nakapagtataka na nagmamay-ari sila ng Isang napakagandang tahanan na punong-puno ng mga likhang sining sa dulong parte ng Metro Manila. Naitampok na rin ang kanilang tahanan sa September 2017 issue ng Star Studio Magazine.


Sa living room pa lamang ng kanilang tahanan ay mayroon nang napakalaki at kamangha-manghang likha sina Jigger Cruz at si Andres Barrioquinto. Bukod pa rito ay ang mga designer furniture gaya na lamang ng Spun Brass table mula kay Tom Dixon, isang Vito Selma wooden table, Natuzzi Chesterfield na sofa, Moroso carpet at Muranonblack chandelier.


Mayroon din silang Lo Chan Peng oil canvass, isang Nune Alvarado painting, at ang 19th century Bishop’s chair mula sa Bohol. Sa kanilang dining area ay mayroon silang mga vintage na upuan at eleganteng Capodimonte chandelier. Ang kwarto naman ng kanilang panganay ay mayroong “girly” at “childlike” na ambiance na mayroon ding mga painting na gawa nina Tatong Torres at Marija Vicente.

Source: StarStudio



error: Content is protected !!