Simpleng handa ng kuya na ito para sa kaniyang bunsong kapatid umantig sa puso ng publiko at umani ng maraming mga papuri at reaksyon



Minsan sa isang taon lamang kung magdiwang tayo ng ating kaarawan. Isa itong espesyal na araw kung kailan ang bawat isa sa atin ay naghahanda ng mga espesyal na pagkain na kadalasang pinagsasaluhan ng bawat pamilya. Mayroon pa ngang ilang tao na pinaglalaanan talaga ng malaking halaga ng salapi ang selebrasyon na ito. Kung saan sila ay umuupa pa ng isang venue, catering services, at mga tao na kanilang kakailanganin upang maging matagumpay, magarbo, at espesyal ang araw na iyon.

Image from google (For illustration purpose only)



Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang magkapatid na ito na sa kabila ng kahirapan ay masaya nilang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang bunso. Ang mapagmahal na kuya ay nakilala bilang si Darryne na bagamat kapos sa pera ay hindi pa rin nalimutang ipaghanda ang kaniyang bunsong kapatid. Narito ang caption ng ibinahagi niyang post sa kaniyang social media account, “Happy birthday, Bunso! Nyahahaha ‘di ko nabili gusto mo. ‘Yan lang kaya ko.”


Mapapansin sa viral na larawan ang payak na handa ng magkapatid ngunit talaga namang aantig sa puso ng marami ang kanilang ngiti at kasiyahan na kitang-kita sa larawan. Mayroong isang litsong manok sa kanilang harapan, ilang piraso ng burgers at footlong at ang hawak-hawak ng magkapatid na piraso ng papel at mayroong numerong 0 at 6 sa mga ito.

Tunay ngang hindi naman kailangan ng napakaraming handa at mamahaling mga bagay upang maging masaya at kuntento sa buhay. Nakakatuwang malaman na bagamat kapos sila sa buhay ay mapapansin at makikita ang pagmamahal nila sa isa’t-isa at ang kakuntentuhan nila sa mga simpleng bagay na mayroon sila. Ito ay isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataang Pilipino ngayon na nasasanay na sa maraming karangyaan sa buhay sa mura nilang mga edad, sa labis na pagpapahalaga sa panglabas na kaanyuan at sa pagtangkilik sa marami pang mga materyal na bagay.



Image from google (For illustration purpose only)


Mas mabuti pa rin na matuto tayong makuntento at magpasalamat sa mga bagay na mayroon tayo at patuloy na magsumikap upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay kahit gaano pa kahirap ang buhay.




error: Content is protected !!