Larawan ng isang mag-asawa na masayang magkayakap, pinagmulan ng debate kung mas mahalaga nga ba ang kayaman o ang kaligayahan?



Ano nga ba ang mas mahalaga ang karangyaan sa buhay o ang tunay nating kaligayahan? Isang larawan ng magkayakap na mag-asawa na pinaniniwalaan na mula sa Thailand ay pinagmulan ng debate patungkol sa isang tanong na talaga namang pinag-usapan ng maraming mga tao sa social media.



Nagsimula ang debate ng ang Facebook page na “Human 4 Life” ay nagbahagi ng isang larawan ng masayang mag-asawa. Ang nasabing larawan ay kuha diumano sa isang bangketa kung saan ang babae sa larawan ay niyayakap ang isang lalaki na nakatalikod habang ito ay naguurong ng mga kaldero at kawali. Bagamat hindi malinaw kung sa harap ng tahanan o sa harapan ng kanilang negosyo nakuha ang larawan na ito.

Ang pagkakakilanlan ng dalawa ay hindi pa malinaw sa marami, maging ang tunay nilang relasyon, kung sila au magkasintahan pa lamang o mag-asawa na. Ngunit marami ang naniniwalang sila ay mag-asawa nga. Maraming mga netizen ang nagkaroon ng kani-kaniyang opinyon patungkol sa kung ano nga ba talaga ang mas importante, karangyaan o kaligayahan. Karamihan sa mga netizen ay sumasang-ayon na mas mahalaga ang pagiging masaya kaysa sa karangyaan at mga materyal na bagay. Ang ilan ay nagkomento rin naman na hindi naman natin kailangang maging mayaman para lamang sumaya o lumigaya. Mayroon din namang nagpahayag na mahirap din naman ang pumasok sa isang relasyon na alam mong wala kayong kakayahan na bumuhay ng isan pamilya lalo na ang suportahan ang iyong mga anak.




Tunay nga namang mapapa-isip ka rin talaga kung ano nga ba ang mas dapat mong pahalagahan bilang isang tao? Karangyaan o materyal na bagay ba na talaga namang kakailanganin mo din sa pagtataguyod ng iyong pamilya o mas nararapat bang pahalagahan ang kaligayahan at kasiyahan ng pamilya kahit pa sa gitna ng kahirapan at pagsubok sa buhay?

Marahil ay mayroon tayong kani-kaniyang sagot at opinyon patungkol dito na wala din naman talagang masama kung tutuusin dahil iba iba rin naman tayo ng opinyon, at mga prayoridad sa buhay ngunit higit pa rito ay hindi rin naman nawawala sa puso nating mga Pilipino ang tunay na pagmamahal at pagpapahalaga sa ating mga pamilya.




error: Content is protected !!