Usap-usapan ang magandang dalaga na ito matapos kumalat ang kaniyang larawan kung saan siya ay nakasuot ng isang judge robe!



Madalas na pumapasok sa ating isipan ang matanda at matabang lalaki sa itim na robe kung tayo ay tatanungin na isalarawan ang isang hurado sa korte. Ngunit kamakailan lamang ay talaga namang naging usap-usapan ng mga netizen ang magandang dalaga na ito na tila batang-bata pa talaga ay nakasuot na ng damit na pang-hurado kung saan malapit rin sa kaniyang harapan ang mga ginagamit ng isang hurado sa kaniyang pagdedesisyon sa kaniyang mga kaso.



Laking pagtataka ng mga nakakita ng larawan kung tunay ngang isa siyang hurado dahil pag nagkataon ay isa siyang napakaganda at napakabatang hurado sa kaniyang hitsura. Napagalaman ng mga netizen na ang nasabing dalaga ay nagngangalang Leanna Leonardo ngunit siya ay hindi pa ganap na isang hurado.

Siya ay 22 taong gulang na estudyante na nag-aaral ng Law sa Gadjah Mada University sa Yogyakarta, Indonesia.




Ang mga kumakalat na larawan ay kuha sa isang “moot court” o “mock court” na isang aktibidad kung saan siya ay umaarte lamang bilang isang judge. Ang napakagandang babae na ito ay nangangarap maging isang judge balang araw.

Sa ngayon siya ay nakapokus pa rin sa kaniyang pag-aaral at itinanggi din niya na siya ay isang miyembro ng Indonesian K-pop group. Marami ang mga ulat na kumakalat na siya diumano ay kabilang sa JKT48, ang Indonesian counterpart ng Japanese girl group na AKB48. Marami na rin ang mga tagahanga niya sa social media dahil sa higit 162 libo na followers nito sa Instagram.

Marami din naman ang nalugkot at nawalan ng pag-asa nang malaman na mayroon na pa lang siyang nobyo. Bagamat maraming mga tao ang nagsasabi na masyadong maganda ang dalaga para sa kaniyang nobyo ay nakiusap naman itong irespeto ang kanilang relasyon at pagmamahalan.

Mayroon mang mga taong humuhusga sa kanilang relasyon dahil sa pangkabas na kaanyuan ay marami pa rin ang nagnanais at sumusuporta sa kaniyang makamit ang pangarap niyang maging isang judge balang araw.




error: Content is protected !!