Mga aso na pasahero nasermunan dahil sa wala silang pambayad sa kanilang sinakyang kotse!



Bilang isang driver, tiyak na napakalaking bagay na ang kanilang kinikita sa araw-araw nilang pagbiyahe. Gaya na lamang ng napakaraming Grab driver ngayon na nagnanais at nanalangin ng sunod-sunod na biyahe para kahit papaano man lamang ay maging sulit ang kanilang pagbiyahe at pagpapagod sa buong araw. Ngunit paano naman kaya kung wala pa lang pangbayad ang pasahero na iyong naisakay? Ikaiinit kaya ito ng iyong ulo o ikasasama ng iyong kalooban?



Usap-usapan ngayon sa Facebook ang video ng isang amo ng mga aso na nagpanggap bilan isang Grab driver habang ang kaniyang mga mahal na alaga ay tila mga pasaherong nagpa-book ng sasakyan ngunit wala naman pala silang pambayad sa kanilang mga pamasahe. Ang isang aso ay nakaupo pa nga sa tabi ng isang driver habang ang dalawa naman ay relax na relax sa likurang bahagi ng sasakyan.


Sa umpisa pa lamang ng nasabing video ay talaga namang kagigiliwan mo na ang hitsura ng mga alaga niyang aso na Golden Retrievers habang tila nagrereklamo ang diumano’y Grab driver dahil sa wala pa lang pangbayad ang kaniyang mga pasahero. Ang isang aso na nagngangalang Yuna ay nakatahimik lamang at tila nakikinig sa sinasabi ng kaniyang mahal na amo. Mukha namang walang pakialam ang dalawang aso sa likuran na inilarawan ng amo bilang isang lasing at isang matabang pasahero niya.


Ang video na ibinahagi noong Hulyo 20 ay mayroon nang 59,000 na mga reactions, 8,000 na mga komento, at higit sa 31,000 na mga shares na sa kasalukuyang pagsusulat ng artikulo na ito. Sa labis na pagkagiliw ng mga netizen ay nagbigay sila ng kani-kanilang mga komento patungkol sa mga kunwaring iniisip o tumatakbo sa isipan ng tatlong mga aso.

Tunay nga namang pangkatuwaan lamang ang nasabing video at walang anumang hayop ang nasaktan. Tiyak na mahal na mahal ng amo ang kaniyang mga alagang aso. Minsan nga ay tunay na mga anak na ang turing ng mga ito sa kanilang mga alagang hayop.






error: Content is protected !!