Cat-calling at wolf-whistling papatawan na ng kaukulang parusa para sa mga taong gagawa pa nito sa ilalim ng “Bawal Bastos Law”



Pinirmahan na nga ng ating pangulong Duterte ang “Bawal Bastos Law” na naglalayong maprotektahan ang mga Pilipino sa ano mang uri ng kabastusan o panghaharas kahit na ano pa ang kasarian sa pang-publikong mga lugar o kahit pa online na maaaring makapaglagay panganib sa biktima at sa kaniyang repustasyon.



Ang “Safe Spaces Act” sa ilalim ng Republic Act 11313 ay nilagdaan na ng Presidente Rodrigo Duterte noong ika-17 araw ng Abril. Ngunit ang mga impormasyon tungkol dito ay inilabas sa media nito lamang Lunes ika-15 ng Hulyo. Ayon sa Safe Spaces Act., kahit ano man ang hindi kanais-nais na gawin ng isang tao o grupo ng mga tao sa isang babae, lalaki, bata o matanda ano man ang kanilang mga kasarian ay papatawan ng kaparusahang naayon sa batas, sino man sila o ano man ang kanilang mga estado sa buhay.


Ito ang nasasaad sa nasabing batas:
“It is the policy of the state to value the dignity of every human person and guarantee full respect for human rights. It is likewise the policy of the state to recognize the role of women in nation-building and ensure the fundamental equality before the law of women and men.”


Binigyang-diin din ng batas na ito na ang mga kababaihan at kalalakihan ay nararapat lamang magkaroon ng pantay na karapatan sa kanilang seguridad at kaligtasan hindi lamang sa pribado ngunit maging sa mga kalsada, pangpublikong lugar, sa lugar ng kanilang trabaho, sa eskwelahan, sa iba pang mga training institution o kahit pa online.


Narito naman ang mga paglabag sa ilalim ng nasabing batas:
“Catcalling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic and sexist slurs, persistent uninvited comments or gestures on a person’s appearance; relentless requests for personal details, statement of sËxual comments and suggestions; public mastÜrbation or flashing of private parts, groping, or any unwanted advances.”






error: Content is protected !!