Hokage moves ni Chavit Singson kay Miss Universe 2018 Catriona Gray kinatutuwaan at kinagigiliwan ngayon ng publiko!



Narinig nyo na ba ang mga katagang “Hokage moves” mula sa mga millennials ngayon? Ang “Hokage moves” ay ang popular na tawag o pagsasalarawan sa pa-simple pero epektibong pagpapapansin sa isang taong gusto mo o interesado ka. Bagamat alam naman nating lahat na walang espesyal na relasyon sa pagitan ni dating gobernador Chavit Singson at reigning Miss Universe 2018 Catriona Gray, labis pa rin itong kinagiliwan ng mga netizens.



Ang nasabing viral na video ay kuha ng isang netizen na nakilala bilang si Sean Juanitas Lucero, ito ay nakuha niya sa pre-fight live video ng laban ni Pacquaio at Thurman na dinaluhan ng dalawa. Makikitang magkatabi ang dalawa sa isang maliit na bench kung saan makikitang abalang-abala ang beauty queen title holder sa kaniyang cellphone samantalang si dating gobernador Chavit Singson naman ay antok na antok at tila mapapasandal na kay Catriona.


Habang nalalapit nang makasandal ang ulo ng pulitiko kay Catriona ay agad naman itong nagising mula sa kaniyang pagkakaidlip. Nagkatinginan nga ang dalawa at nangkapalitan ng ngiti. Tila nag-uusap rin sila sa video bagamat hindi na ito narinig pa sa viral video. Si dating gobernador Chavit Singson ay kilalang taga-suporta ni senador Manny kahit noon pa man sa mga naunang laban nito.


Labis na kinagiliwan ng mga netizen ang tagpo na ito na umani na sa kasalukuyang pagsusulat ng artikulong ito ng higit sa 13,000 na mga reaksyon, 2,600 na mga komento, at higit sa 23,000 na mga shares. Biro pa nga ng iilan na mas dapat batiin ng “congratulations” si Singson sa pagkakasandal nito kay Catriona kaysa ang pagbati sa pagkapanalo ng ating fighting senator na si Senador Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Keith Thurman.



Sa ngayon ay wala pang pahayag si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa viral na video na ito na nagbigay ng good vibes para sa maraming mga Pilipino. Muli, ay ipinapupunyagi at ipinagdiriwang ng buong sambayanang Pilipino ang pagkakapanalo ng ating Pambansang Kamao na nagbigay na naman ng karangalan sa bansang Pilipinas.




error: Content is protected !!