Andi Eigenmann nagsilang na ng isang maganda at malusog na sanggol na babae sa nobyong si Philmar Alipayo!



Ang pagiging isang ina ay tunay ngang mahirap at hindi ganoon kasimple gaya na lamang ng nababasa natin sa mga libro o sa internet. Maituturing ito na isang napakagandang biyaya mula sa Panginoon. Isang nakakamanghang pagpapala na kung saan ay nakapagdadala ng buhay sa kanilang mga sinapupunan at nabibigyang buhay ang napakahalagang mga anghel na ito.



Tunay ngang napakasaya ni Andi Eigenmann dahil naisilang na niya ang ikalawang anak niya. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng larawan ang partner ng aktres at ama ng kaniyang ikalawang supling na si Philmar Alipayo sa kaniyang sariling social media account habang mayroon siyang kalong kalong na sanggol. Kasunod pa nito ang larawan ng aktres habang namamahinga sa kaniyang hospital room kasama ang panganay niya na si Ellie.

]
Bagamat hindi pa alam ng publiko ang ipapangalan nila sa kanilang anak ay nalaman na ng marami na ito ay isang baby girl sa kanilang gender reveal party. Ayon sa aktres dalangin niya ang pagiging matagumpay at natural ng kaniyang panganganak ngunit magiging prayoridad pa rin ang kaligtasan nila ng kaniyang sanggol.


“Getting back into my daily habits of living healthy and clean ASAP is enough motivation specially because this time I will be having a new little ray of sunshine to raise and nurture. I am still scared and nervous, but also very excited to officially be a mom of 2 very soon!”, dagdag pa ng aktres sa kaniyang post.


Ikinagalak at ikinatuwa naman ng marami ang napakagandang balita na ito. Tiyak na mayroon na namang cute na cute na baby ang mamahalin ng publiko. Hindi na makapghintay ang marami na masilayan ang bagong anghel ng pamilya ni Andi Eigenmann.



Tunay ngang napakagandang biyaya ng mga bagong silang na sanggol para sa kanilang mga ina, ama at sa kanilang mga mahal sa buhay. Kamangha-mangha din naman talaga ang katatagan at lakas ng loob ng aktres na kilalang anak din ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose.




error: Content is protected !!